Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KONTING SUPORTA PO

$
0
0

HUMIHINGI ng suporta mula sa mamamayan, lalo sa mananakay at may-ari ng mga pampasaherong mga sasakyan, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa kanilang bagong programa na ‘rationalization’.

Ang rationalization ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bus operator o may-ari ng bus franchise na magmungkahi ng mga bagong ruta para sa mga pampasaherong bus.

Para sa kampanya ng LTFRB sa pagresolba sa problema ng ating mga lansangan, ang rationalization ay isa sa mga nakikitang paraan at posibleng solusyon.

Pero gaya ng maraming programa ng pamahalaan, hindi magtatagumpay kung kulang sa suporta mula sa mga motorista at sa lahat ng miyembro ng komunidad.

Ayon kay LTFRB Chairman, Winston Ginez, inihahanda ang panuntunan para sa rationalization.

Pag-aaralan ang mga mungkahi ng operators para sa mga bagong ruta, o mga pagbabago sa mga rati nang ruta, at titingnan kung saan dapat ayusin o magdadagdag ng mga pampasaherong bus para mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang publiko.

Naniniwala si Ginez na mas alam ng bus operators at bus drivers na rin ang tunay na problema sa lansangan kung saan sila namamalagi buong araw.

At dahil dito, binibigyang pagpapahalaga ang inputs nila para sa hinahanap nating pangmatagalang solusyon sa problema ng traffic at sa kung ano-ano pang problema sa lansangan na nagpapahirap sa mga mananakay.

Hindi madali ang mandato ng LTFRB.

Ang mga hamon ng problema ng ating mga lansangan ay talagang sumusubok sa katatagan ng ating public servants.  Kamakailan lang ay umani na rin ng batikos ang mungkahi na pagtataas ng penalty sa mahuhuling kolorum buses.

Pero lahat ay dapat subukan, lahat ng solusyon ay hindi dapat pagsarhan ng pinto hanggang hindi napapatunayan kung makatutulong o mas makakasama pa.

Bigyan naman sana ng pagkakataon ng ating mga kababayan ang mga inihahain na paraan ng ating mga ahensya ng gobyerno.

Suportahan muna bago kontrahin.

Makukuha rin natin mula sa iba’t ibang mungkahi ng ating mga public servant ang solusyon na ating hinahanap. SIBOL/Atty. Ariel Enrile-Inton


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.