Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHALLENGE ACCEPTED

$
0
0

ANG buhay ng tao ay punom-puno ng mga pagsubok na humahamon at sumusubok sa ating lakas at tatag.

Sa marami-rami na ring bansa na aking napuntahan, iba’t ibang tao na ang aking nakilala at nakasalamuha. Magmula sa mga CEO, COO, doctor, abogado, teacher hanggang sa mga simpleng empleyado ay aking nakapanayam at nakasama, at sa istorya ng kanilang mga buhay at tagumpay ay hindi nawawala ang mga problema at pagsubok na dumarating, tunay ngang tila parte na ng buhay ng tao ang mga ito. Subalit sabi nga ng linya sa isang kanta – “ mga pagsubok lamang ‘yan, ‘wag mong isuko ang laban.”

Sa Macau ay isang Filipinang domestic helper ang aking nakilala. Siya si Nanay Josie at ibinahagi niya sa akin ang istorya ng patuloy na pakikibaka niya sa mga hamon ng buhay.

Tubong Mabatan, Abucay sa Bataan si Nanay Josie, masaya at maginhawa ang kanyang buhay kasama ang kanyang tatlong anak. Mayroon siyang katulong at hindi niya gasinong problema ang mga gastusin upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak na noon ay nagsisipag-aral pa, sapagkat ang kanyang asawa ay may magandang trabaho sa bansang Saudi Arabia.

Aniya ay kontento na siya sa kanilang masaya at tila perpektong buhay kaya hindi niya inasahan ang isang malaking hamon na sa kanya ay susubok- nagkahiwalay sila ng asawang nasa Saudi.

Tila gumuho noon ang mundo ni Josie at dahil sa matinding kalungkutan at pighati dahil sa nangyari ay nagdesisyon siyang mangibang bansa upang kahit papaano ay mabawasan ang lungkot na kanyang dinaranas at upang kumita ng salapi para sa gastusin ng kanilang pamilya.

Dinala siya ng kapalaran sa bansang Macau, na noon ay hindi pa gaanong maunlad kung ikukumpara sa kasalukuyan nitong estado.

Halos isang buwan din siyang walang trabaho noong unang buwan niya roon, kaya’t iba’t ibang trabaho ang kanyang pinasok gaya ng pagtitinda ng mga pagkain at pagma-manicure, upang kahit papaano ay matustusan niya ang kanyang mga pangangailangan doon.

Patuloy lamang na tinanggap at hinarap ni Nanay Josie ang bawat hamon na dumarating at nagtatangkang igupo siya.

Hanggang sa makapagtrabaho siya bilang isang domestic helper, kung saan ay natulungan siya ng kanyang boss na isang Portuguese, upang magkaroon ng blue card at maging ligal ang pananatili niya sa Macau.

Aminado si Nanay Josie na mahirap man ang naging adjustment para sa kanya sapagkat ang dating magandang buhay sa Pilipinas ay nauwi sa pagiging isang katulong sa Macau ay nagpapasalamat pa rin siya sa Maykapal sapagkat binigyan siya nito ng katatagan at lakas ng loob  upang harapin ang mga pagsubok na naging daan upang higit niyang makilala ang kanyang sarili at matuklasan ang iba pa niyang kakayahan at potensyal.

*******
Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Linggo 10:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT. PASAPORTE/JR Langit


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>