Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA TAONG NASA SALAMIN

$
0
0

NAKAHIHIYANG isipin na sa kabila ng kaunlaran ng pinakamatandang lungsod sa Metro Manila ay nalulusutan pa rin ang pamahalaang lokal nito ng pinakamatandang raket sa mismong teritoryo nito.

Bagama’t dapat na magsilbing huwaran ang Maynila, bilang pangunahing lungsod sa bansa, sa mga kalapit na siyudad at munisipalidad, sinabi ng aking mga espiya na isa pa nga ito sa tatlong pangunahing teritoryo ng mga big-time iligalista sa National Capital Region.

Dapat sigurong humarap sa salamin sina President-Mayor Joseph Estrada at Chief Superintendent Rolando Asuncion, Manila Police District (MPD) director, at tanungin ang kanilang sarili kung ang kanila bang nakikita ay repleksyon ng isang tigasing alkalde at pulisya.

Para hindi naman sila maging biased sa kanilang magiging sagot, mas mainam sigurong ihilera na rin ang repleksyon ng mukha ni “Boy Abang”.

Isang sibilyan, kontrolado ni Boy Abang ang mga pa-bookie ng karera ng kabayo at pa-lotteng (kumbinasyon ng lotto at jueteng) sa Tondo, Maynila, at kumikita ng milyon-milyon kada linggo.

Bagama’t ang inaanak niya sa kasal na si Lorna ang nangangasiwa sa buong operasyon, ang kanyang bagman, isang “Philip”, ang bahalang tumiyak na maayos ang takbo at hindi pakikialaman ng mga pulis ang negosyo.

Idagdag pa sa nakahugis na imahe ang mukha ng isang pulis na may pangalang “Ver Navarro” na pumalit kay “Pasia.” Si Pasia naman ang nagmana ng negosyo mula sa yumaong pulis na si “Tom Pulis” na ang pangalan ay katumbas na ng horse-race bookies, lotteng at jai-alai sa Beata, Pandacan (ang kanyang teritoryo). Tanging ang iligal na bookies ang tinututukan ni Ver Navarro.

Kailangan na sigurong lumipat nina Mayor Estrada at General Asuncion sa mas malaki o gahiganteng salamin upang magkasya silang lahat sa frame: si Obet Ignacio, alyas “Billy”, sina “Edna” at “Enteng”.

Ayon sa balita, nagkukumpulan ang puwesto ng mga ito sa eskinita ng Vargas, bukod pa sa ibang puwesto sa Kamaynilaan.

Doblehin pa natin ang sukat ng higanteng salamin at sipatin ang nadagdag na si “Paknoy”, isang police sergeant na napaulat na nakatalaga sa National Capital Regional Police Office.

Protektado ni Sgt. Paknoy ang mga kapwa niya bookies na nag-o-operate sa ilalim ng kanyang pangalan basta wala silang palya sa pagbibigay ng padulas sa mga corrupt na awtoridad.

Isiksik na rin natin sa frame ang mga silhouette operator na sina Jeff at Anna sa Sampaloc, si Perry sa Pandacan, si Rowena sa 5th District ng Maynila, at si Deborah, na nangangasiwa sa negosyo ng beteranong gambling operator na si Apeng Sy sa Binondo, at sa iba pang lugar sa ikatlong distrito ng lungsod.

Huwag din natin kalimutang isama ang imahe ng mga magbu-bookies na sina Zaldy Marquez at Pandete.

‘Wag din syempreng kalimutang bigyan ng espasyo ang lotteng operator na si “Jun Moriones” na nangangasiwa rin ng mga lotteng joint sa lungsod.

Hindi rin dapat maitsapuwera sina Gina at Romy Gutierrez, ang dalawang natitirang haligi ng video-karera sa Maynila na tuloy-tuloy sa pamamayagpag sa nakalipas na mga taon.

Sa pagsisiksikan ng mga kolokoy na ito sa harap ng salamin kasama sina Mayor Estrada at General Asuncion, may makikita kayang magandang imahe para sa MPD at sa City Hall?

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/Robert B. Roque, Jr.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>