Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MADILIM SA MAKATI

$
0
0

MARAMING residente sa Makati ang nagtatanong kung bakit hindi binibigyang-pansin ng city hall, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Junjun Binay ang napakaraming madidilim na kalye sa lungsod.

Nangangamba tuloy ang mga residente na baka pagsimulan ng maraming insidente ng kriminalidad ang hindi naiilawang mga poste nang Meralco sa mga kalye roon. Alam kasi ng mga mamamayan na kahit araw ay malakas ang loob ng mga kriminal na gumawa ng krimen, kaya anila ay mas higit na magiging matapang ang mga halang ang kaluluwa kapag madilim ang mga kalye sa gabi.

Ang ilan sa mga pangunahing kalye na walang ilaw ang mga poste ay ang kahabaan ng J.P. Rizal Avenue, Kalayaan Avenue, Pasong Tamo , Kamagong, Chino Roces Avenue, at iba pa.

Problemado rin ang mga residente sa iba’t ibang barangay tulad ng Valenzuela, Olympia, Sta. Cruz, Poblacion at iba pa, dahil napakaraming side streets sa kanilang mga lugar ang wala ring ilaw.

Nangangamba sila na baka pagmulan ng holdapan, nakawan at iba pang krimen sa kanilang lugar ang madidilim na kalye roon. Kaya naman nanawagan sila kay Mayor Binay na aksyunan na agad at ibalik na niya ang ilaw sa mga poste para naman sa kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang lungsod.

Aantayin namin ang aksyon mo Mayor Binay!

****
Samantala, gusto ko ring tawagan ng pansin si LTFRB Chairman Winston Ginez hinggil sa desisyon niya na payagang makapagbiyahe muli sa EDSA at makapasok na rin sa loob ng Kalakahang Maynila  ang mga provincial bus na una nang binawalan na pumasok ni MMDA Chairman Francis Tolentino. Dahil kasi sa LTRFB Memorandum Circular No.10, Series of 2014 na ipinalabas ni Ginez kamakailan, ay malaya na namang nakakabiyahe sa Edsa ang mahigit 2,000 provincial buses.

Ayos na sana iyong implementasyon ng joint administrative order no.2014-01 na sama-samang ipinatutupad ng MMDA,LTFRB, LTO at DOTC, na nagtataas ng multa sa hanggang P1-milyon laban sa mga kolorum at hindi rehistradong mga sasakyan na bumibiyahe bilang pampubliko at paupahan.

Dahil doon ay naobliga ang mga operator na magparehistro at iyong iba naman ay iginarahe na lang mga sasakyan, nila kaya lumuwag ng bahagya ang mga lansangan. Pero dahil sa circular ni Ginez ay tiyak na bibigat na naman ang trapiko dahil sa pagdagsa muli ng mga provincial bus sa Metro Manila.

Ano kaya ang masasabi dito ni Chairman Ginez? OPENLINE/Bobby Ricohermoso


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES