Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WASAK ANG BAYAN SA KAMAY NG MGA POLITIKO

$
0
0

INAAMIN KO, senior citizen na ako. Nasaksihan ko ang ganda ng Pilipinas, noon. Ngayon, alaala na lang ang lahat. Sa kabataan, kwento at litrato na lang para nila malaman kung bakit naging Perlas tayo ng Silangan.

Malabo nang maibalik ang gandang nawala. Habang ang bulok na sistemang pulitikal ang naghahari sa ating estado. Kung gusto natin maibalik iyon, kailangan baguhin ang buong sistema at putulin ang kapangyarihan ng mga ganid na, gahaman pa na mga politiko!

Imadyin, bata pa ako naririnig ko na sa Kongreso ang paggawa ng “farm-to-market-roads.”

Kung noon’y totoong ginawa ng mga politiko ang kalsadang agrikultural, mayayaman na lahat ang mga magsasaka.

‘Yung mga tulay, riles at kalsada ay todo rin ang pondo noon at ngayon. Aber, bakit bitak-bitak ang mga bagong gawa na lansangan? Bakit nawasak ang mga bagong tulay? Bakit lumabas ka lang ng lungsod, wala nang matinong kalsada?

Totoo na ginagawa nila. Lamang, dahil sa sobrang komisyon, ang kawawang kontraktor ay kailangang mandaya sa gastos para matapos ang proyekto. Ang labas, matabang ang timpla, wasak agad kahit kaunting ulan lang.

Mahalaga ang edukasyon sabi ng mga hindurupot na politiko. Tama. Karamihan sa kanila ay may-ari ng eskwelahan. Kaya naman ang tuition fee hike ay taon-taon na lang.

Pero ang mga mag-aaral natin sa malalayong lugar, 2-3 oras ang nilalakad makapasok lang sa halos giba-giba nang eskwelahan. Kailan lang sa lalawigan ng Rizal lumalangoy ang mga bata sa ilog dahil walang matawiran na tulay man lang. Papaano pa kaya yaong mga komunidad sa mga bundok?

Kulang ang espasyo kung lalahatin natin ang depektibong proyekto para sa taumbayan sa kamay ng mga korap na politiko – noon -  mas lalo na ngayon.

Maitatama lang ang sistema kapag wala nang pork barrel ang mga lintang politiko. Nilalahat ko na!

‘Yung inihanda ni pork barrel scam teacher Butch Abad na 2015 budget ay wala na raw pork barrel mula sa PDAF at DAP? Ukinnana! Putulin ko kaya ang dila ng taong iyan?

Kung gustong makabawi ni Pangulong Benigno Aquino 3rd, ang gagawin mo lang ay idirekta ang pondo ng bawat ahensya at hayaan mo sila ang magpatupad ng iyong mga programa.

Alisin ang pondo sa kamay ng mga suwapang na politiko. Walang duda, makababawi ka! BALETODO/Ed Verzola


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>