Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CON-CON NA NAMAN?

$
0
0

MAY panukala na naman na pahabain ang panunungkulan ni President Noynoy beyond 2016.

Ang panukala ay galing sa mga internet subscriber na ang mga pangalan ay kadalasang alias lamang.

Mukhang hindi sang-ayon ang Pangulo sa panukalang ito, pero mapilit ang mga netizens.

Gusto nilang manatili si Noynoy na Pangulo ng bansa kahit ito’y bawal sa Constitution.

Ang delikado ay baka magustuhan ni Noynoy ang panukalang ito at maghain ng constitutional amendment o constitutional convention na ang lalahok sa convention ay ang mga kapanalig ni Noynoy sa Congress na sabit sa mga pork barrel scam.

Masyadong tempting ang proposal ng mga pro-Noynoy netizen.

Kung magkatotoo ang gusto nilang mangyari, tiyak na happy days will never end hanggang sa ito ay mauwi sa isang coup d’etat o people’s revolution na ang magwawagi ay ang mga tiwaling opisyal na naman natin.

Nauna na rito ang mungkahi ni Speaker Sonny Belmonte na magkaroon na ng isang charter change para palitan na ang present Constitution na si Pangulong Cory at kapanalig niya ang nagbalangkas.

Sa nakaraang sona o State of the Nation Address ni Noynoy, nagpahiwatig siya na may mga taong nais na siya ay tanggalin sa puwesto at siya ay napaluha.

Pinawi ng bagong chief of staff ng Pangulo na walang balak ang militar na mag-coup.

Ngunit si Senador Sonny Trillanes na pro-Aquino ang nagsabi na talagang may tangkang coup d’etat ang mga retiradong heneral na pro-Arroyo.

Itinanggi ito ng mga retired generals. Itinanggi rin ito ng kampo ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Tempting talaga ang presidential term extension.

Na-propose na rin ito kay Pangulong Cory Cojuangco Aquino na kanya namang tinangihan.

Mukhang nagustuhan din ni Fidel Ramos ang panukalang ito pero hindi nagwagi ang mga pro-cha-cha.

Nagustuhan din ito ni Gloria pero hindi ito naging popular. DEEP FRIED/Raul Valino


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>