Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PADRINONG MGA KOLORUM

$
0
0

ANO naman kaya ang nakain na damo nitong si Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston Ginez at tila nawalan na yata ito ng sariling katinuan?

Aba’y saan ka naman nakakita ng isang opisyal ng gobyerno na sa halip tumulong upang hulihin ang mga kolorum na sasakyan ay siya pa ang pumapadrino sa mga ito?

Magkano ba ang isinuhol sa iyo ng mga operator ng mga truck na kolorum, sir?

Aba’y mahiya ka naman dahil halos lahat na yata ng tao, maging ang iyong mga kasama sa gobyerno gaya ng mga opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay nanggagalaiti na sa katangahan mo!

Kaya kolorum ang tawag sa mga iyan ay dahil iligal ang kanilang operasyon.

Ngunit sa halip na ipatupad ang isinasaad ng batas ay nagbigay pa ng provisional authority itong LTFRB para lalo makapamerwisyo ang mga trak na ito sa ating mga lansangan.

Isa pang nasobrahan na yata sa kakahithit ng katol ay itong si Philippine Ports Authority General Manager Juan C. Sta. Ana dahil sa halip na gumawa ito ng mga hakbang upang maisaayos ang operasyon ng cargo handling sa ating mga pwerto ay kinakampihan pa niya ang kawalanghiyaan ng mga operator at driver ng mga container truck, kabilang na rito ang kanilang tagapagsalita na si Alberto Suansing.

Sinisisi nitong si San Juan ang siyudad ng Maynila dahil sa diumano’y napakabagal na biyahe ng mga kargamento na dumarating sa Port of Manila dahil sa ginagawang paghihigpit ng siyudad sa kanilang mga container truck.

Ang gustong mangyari kasi nitong si San Juan ay muling mamerwisyo itong mga trak na ito sa ibang mga motorista ang muling magdulot ng mala-delubyong trapiko sa ating mga lansangan.

Sa totoo ay ni hindi sana humantong sa ganitong paghihigpit ang lungsod ng Maynila kung itong PPA ay gumagawa ng sistema upang malagay sa ayos ang dispatching sa mga truck na nagdadala ng mga kargamento na ibinabagsak sa Port of Manila.

Dahil sa kawalan ng sistema sa mga pumaparoo’t pumaparito sa loob ng Port of Manila, santambak na mga container truck ang nakaparada sa paligid ng pier, kasama na rito ang kahabaan ng Bonifacio Drive hanggang sa bandang Road-10.

Maliban sa halos wala ng ibang madaanan ang ibang mga sasakyan sa mga kalsadang ito, nakatatakot din na baka bumigay ang M. Roxas bridge dahil maging ang buong tulay ay ginagawang paradahan ng mga bugok na drayber ng mga dambuhalang trak.

Eh, bakit hindi maglagay ng maayos na terminal ang mga truck na ito sa loob mismo ng pier upang hindi makapamamerwisyo ang mga ito sa ibang mga motorista?

Bakit hindi obligahin nitong si Sta. Ana ang mga truck driver at operator na magkaroon ng maayos na dispatching system upang hindi sabay-sabay ang kanilang pagdagsa sa Port of Manila at ganun din sa ating mga lansangan?

In short, ang problema ng mga nababalaho na kargamento sa Port of Manila ay resulta ng kainutilan nitong si Sta. Ana at walang kinalaman dito ang pamunuan ng lungsod ng Maynila.

Ngunit sa mga taong palpak na gaya nitong mga opisyal ng PPA, pinakamabilis na trabaho ang magturo at gumawa ng palusot. BIGWAS/Gil Bugaoisan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>