Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAO LANG SI BISTEK

$
0
0

NATURAL ang ipinakitang reaksyon ng taumbayan na hindi sumang-ayon sa pananampal ni Mayor Herbert Bautista sa nahuling drug dealer.

At kung may mga ‘di pumabor, marami rin ang nagpahayag na tama lang ang ginawa ng alkalde ng Kyusi.

Ang ilan nga – bagama’t mali sa batas – ay nagsabi na ‘di dapat sampal, kundi pinatay na lang, anila, ang naturang drug trafficker.

Kahit ang inyong lingkod ay ‘di makapaniwala sa nangyari dahil sa pagkakakilala natin sa alkalde, ito’y ‘di marunong magalit.

Naiintindihan natin ang mayor.

‘Di marahil nais na saktan ang drug dealer, pero sa bugso ng damdamin, nangyari ang ‘di dapat mangyari.

Tao lang si Bistek na nagkakamali rin.

Magkagayunman, inaming mali ang ginawa at humingi ng paumanhin si mayor, ‘di sa sinampal na Tsino kundi sa taumbayan.

Nanaig marahil kay Mayor Herbert ang awa sa mga nagiging biktima ng salot na droga kaya ‘di naiwasang bigwasan ang Tsino.

Marami na ang nasira ang buhay dahil sa droga.

Droga ang dahilan ng maraming patayan, gahasaan, nakawan at kung ano-ano pang nangyayaring mabibigat na krimen sa bansa.

Kung masusugpo lang ang pagkalat ng droga, tiyak na mawawala ang krimen at ang resulta’y kaginhawaan at magandang bukas sa lahat.

Pero dahil sa malaking pera mula sa operasyon ng drug syndicates, ‘di nagiging totoo ang mga awtoridad sa kanilang sinumpaang responsibilidad.

At dahil sa malaking suhol mula sa drugs traffickers, imbes na manghuli, nagiging coddler at protector ang maraming alagad ng batas.

Kailan kaya manaig sa awtoridad ang sinumpaan nilang ‘serbisyo-publiko’ laban sa kinang ng salapi ng mga drug lord?

Hamon ‘yan kay Gen. Alan Purisima, National Bureau of Investigation at iba pang ahensya ng gobyerno, maging totoo para masugpo na ang drug problems.

Samantala, nais nating ipaabot ang ating pagbati at ‘di napuputol na paghanga kay Gen. Richard Albano at buong QCPD.

Good job, general, sa matagumpay na drug bust. CHOKEPOINT/Bong Padua


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>