Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SA EBOLA: PHIL. CONTINGENT BAWAL UMUWI; ANG OFWS?

$
0
0

TIYAK na lumikha ng hindi mailalarawang takot sa hanay ng mga pamilya ng nasa 115 Philippine Contingent sa United Nations Peacekeeping Force sa Liberia makaraang utusan ang mga ito na huwag umuwi sa mahal kong Pinas dahil sa nakamamatay na ebola virus.

Syempre pa, tiyak na may kaba na rin ang mga miyembro ng Philippine contingent dahil napalilibutan na sila ng mga patay sa ebola kahit saan.

Sino ba naman ang hindi matatakot at kakabahan sa sakit na dahilan upang lumuha, umihi, tumae at sumuka ka nang may dugo na palatandaan na rin ng pagkuha ni Lord sa iyo nang wala sa oras?

GAMOT WALA PA

At take note, wala pang gamot dito.

May inieksperimento ang mga Kano na gamot pero kahit hindi pa na-testing sa tao, iniineksyon na ito sa dalawang Kano, isang doktor at isang nars, na natamaan sa Liberia.

Kung magiging successful ito, wala pang nakaaalam.

Ang tiyak, ‘pag may ebola ka, patay kang bata ka at milagro kung makaliligtas ka.

Habang tinitipa natin ito, mahigit nang 1,038 ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa ebola sa mga bansang Liberia, Sierra Leone at Guinea, at kabilang na rin ang dalawang namatay sa Nigeria at Saudi Arabia.

LIBO-LIBONG OFW

Bukod sa Philippine contingent, libo-libo rin ang bilang ng mga overseas Filipino worker sa tatlong bansang matinding sinasalakay ng ebola.

May 880 OFW sa Guinea, 632 sa Liberia at 1,179 sa Sierra Leone.

Anak ng tokwa, walang malinaw na patakaran ang gobyerno ukol sa mga ito… kung bawal silang umuwi sa bansa o hindi, gaya ng ginawa sa mga sundalo at pulis nating contingent.

Pero may mga balita na may umaalis o tumatakas nang mga OFW palabas sa mga bansang ito.

Hindi natin alam kung paano sila nakalalabas pero ang alam natin, marami nang bansa ang tumigil na sa pagpapalipad ng kanilang mga pampasaherong eroplano sa mga bansang ito.

Marami na ring kalapit-bansa ng mga ito ang nagsara ng kanilang mga border, pier at paliparan para walang makapasok sa kanila na mga taga-Liberia, Sierra Leone at Guinea.

At dahil walang patakaran sa mga OFW, ‘yang magbantay na lang sa mga airport ang ginagawa natin sa Pinas.

Eh, ang mga barko, meron ba, huh?

SISTEMANG MEDIKAL BAGSAK

Bumagsak na ang sistemang medikal sa nasabing mga bansa.

‘Yun bang === marami nang ospital o health center ang nagsara.

Una, nagsisipagbitiw na ang mga doktor, nars at iba pa na lokal at kanya-kanyang iskyerda para sila maligtas sa sakit.

Ikalawa, 93% na sa mga dayuhang mediko, nars at iba pa ang lumayas na rin.

Tanging ang Doctors Without Borders ang nakikipaglaban para sa buhay ng mga mamamayan.

Itong mga doktor na ito ang unang nagsabi sa mundo na hindi na makontrol ang paglaganap at pagpatay ng sakit sa mga mamamayan sa lugar. Saludo kami sa inyo, mga Doc.

Nanawagan naman ang UN para sa paglusob ng mga doktor at iba pa sa nasabing mga bansa pero wala tayong gaanong balita rito.

Wala nga kahit sinong doktor na Pinoy ang naririnig nating magboluntaryo para tumugon sa panawagan ng UN.

Kahit ang mga doktor na mahilig sa mga sex scandal at nakikipag-away kay Kim Henares sa buwis wala ring tugon. Hehehe!

Dahil ipinagbabawal na ng gobyerno ang sinomang Pinoy na pumunta roon at bawal na nga ring bumalik ang Philippine contingent?

NASAAN ANG PAGHAHANDA

Sa tatlong bansang biktima ng ebola, sabi ng mga awtoridad doon na mas marami na ang namamatay sa ibang mga sakit kaysa sa ebola.

‘Yung bang === may diarrhea, atake sa puso, high blood at marami pang iba.

Namamatay sila dahil wala na ang mga doktor na gumagamot sa kanila at nagsara na rin ang kanilang mga ospital.

Kung napasok tayo ng ebola, matutulad ba tayo sa mga bansang ito na bagsak na ang sistemang pangkalusugan?

Kaya napakahalaga ang ating paghahanda.

Kayong dalawa, Health Secretary Enrique Ona at Usec. Eric Tayag, nasaan ang mga inihahandang doktor dito at nasaan ang mga quarantine o isolation na ospital para doon dalhin ang mga may ebola para hindi kumalat ito?

Tatandaan natin, mga Bro, ang tanging panlaban lang ngayon sa ebola ay ihiwalay ang mga ito sa tao upang walang mahawa.

SAMPOL ANG SARS

Noong 2002-2003 na matindi ang kamatayan sa Hong Kong at Tsina dahil sa Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS na kinamatayan ng nasa 800 katao, inilagay ang lahat ng mga may SARS sa iilang gusali para walang makapasok at makalabas sa mga ito, kasama na ang mga doktor.

Shoot to kill ang utos laban sa mga lalabag dito.

Nakontrol ang SARS.

Sa Pilipinas naman, ano-ano nga ang mga gagawin ng gobyernong Pinas ‘pag pinasok tayo ng ebola, huh?

Gusto nating malaman ito ngayon pa lang upang alam naman ng mga mamamayan ang kanilang gagawin kung saka-sakali.

Mayroon na rin bang mga praktis ng mga doktor, kagamitan ng mga ito at iba pa bilang paghahanda?

Ayokong makita, mga Bro, na daraanin sa condom at sayaw na Mr. Gentleman, Chacha at Gangnam style ng mga taga-DOH ang problema.

Alam ba ninyo ang nakapagtataka rin dito? Tahimik ang mga anak ng tipaklong na politiko sa usaping ito.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/Benny Antiporda


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.