Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VOM GAWING PRAYORIDAD

$
0
0

NAPAPANAHON ang paghiling ni Valenzuela City 1st District Councilor Rovin Feliciano kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mapaglaanan ng pondo ang pagpapatuloy sa pagpapagawa ng Valenzuela-Obando-Meycauayan (VOM) Megadike Project.

Ang kahilingang ito ay base na rin sa nilagdaang Kapasiyahan Bilang 2014-279 ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela na ini-akda ni Konsehal Feliciano na layuning mabigyan ng pansin ang inihintong proyekto na lulutas sa pagbaha sa ilang barangay sa Valenzuela City, Obando at Meycauayan City.

Nakasaad pa sa kapasyahang ito, ang pondong nakalaan sa pagtatapos ng VOM Megadike Project ay naantala sa pagpapatigil ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na ipinagbawal ng Supreme Court (SC) dahil labag daw ito sa batas.

Dahil dito, nangangamba ang konsehal na matagalan pa bago muling maituloy na matapos ang proyektong ito na magbibigay sana ng solusyon sa nararanasang pagbaha sa mga nabanggit na lugar.

Ang hakbang na ito ni Feliciano ay upang mapasama ang VOM Megadike Project sa paglalaanan ng pondo ng Kongreso ng Pilipinas sa 2015 na malapit na ring talakayin ng House of Representatives at Senate.

Suportado rin ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang hakbang na ito ni Feliciano dahil sa pamamagitan nito ay mabibigyang-pansin ng kinauukulan ang problema sa baha ng kanilang lungsod at ng mga karatig na lugar.

Kabilang sa padadalhan ng Sangguniang Panlungsod ng kopya ng kapasyahang ito ay ang Malacañang, Secretary Rogelio Singson ng DPWH, lokal na pamahalaan ng Obando at Meycauayan at ang City Engineering Office ng Valenzuela.

Sakaling matapos ang VOM Megadike Project, umaasa ang mga residente ng Valenzuela, Obando at Meycauayan na matatapos na ang problema sa pagbaha sa kanilang lugar na ilang dekada na rin nilang nararanasan.

Kaya’t maging ang mga ito ay humihiling din kay Pangulong Aquino at sa Kongreso na pagtuunan ng pansin ang paglalaan ng pondo upang maipagpatuloy ang pagtatapos sa proyektong ito.

Sana nga ay mabigyan ng pansin ng kinauukulan ang kahilingan na ito ng Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela dahil bukod sa aming lungsod ay makikinabang din dito ang mga karatig na lugar na nakararanas din ng pagbaha. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>