MARAMING isyung nakaumang na lalabas laban kay Kalookan Second District Cong. Mitch Cajayon.
Iyong mga grupo ng local official ay may matinding plano kay Congresswoman.
Personal nating kaibigan si Mitch kaya hindi tayo makapaniwala sa mga isyung nakarating sa atin.
Dapat sigurong paghandaan ni Congresswoman ang dambuhalang isyung sasabog laban sa kanya kung gusto pa niyang makaulit sa Kongreso.
Alam nating kayang-kaya ni Mitch ang mga puputok na isyu dahil pinanday na rin naman siya ng panahon sa pulitika.
Abangan ang mga susunod na kabanata sa Kalookan.
***
May tulog ang mga Fuentebella sa pinal na desisyon ng Court of Appeals na kilalanin ang pagiging residente at botante ni Aga Mulach sa Brgy. San Jose, Camarines Sur.
Lahat na ng paraan ay ginawa ng mga Fuentebella para mawalan sila ng malakas na kalaban sa pagkakongresista pero bigo sila sa kanilang mga kilos.
Better luck next time, mga trapo ng Camsur.
***
Speaking of Camsur, isa pang humaharap sa matinding problema ngayon ay si Second District Congressman Dato Arroyo.
Lumalakas ang panawagan sa Camsur na itaboy ang mga dayuhang kandidato sa kanilang lugar.
Si Dato na likas na taga-Pampanga at likas na taga-Bacolod ay kumakandidato ulit bilang kongresista sa Camsur.
Ang problema niya, “Dayo Arroyo” na ang tawag sa kanya ng mga taga-Camsur dahil sampid lamang pala siya roon.
Plus mabigat pa ang kalaban niya–si Governor Lray Villafuerte na nagpasikat ng waterpark sa Camsur at umakit sa milyon-milyong turista.
Dayo Arroyo vs Lray, mabigat na laban ito!
allanpunglo@yahoo.com