Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TALO NA ANG BAYAN KAY PNOY

$
0
0

SA rami ng kontrobersyang bumabalot sa administrasyong Aquino ay mukhang hindi na dapat siyang mabigyan ng pangalawang termino bilang pangulo ng bansa.

Magmula sa isyung DAP at PDAP at pinatunayan na rin niya ang pagkakaroon ng pagkiling sa mga taong nasasangkot sa katiwalian kagaya na lamang ng pagdidiin niya sa mga miyembro ng oposisyon.

Malinaw naman na kapag ito’y kanyang kaalyado ay awtomatiko itong kanyang ipinagtatanggol at inaabswelto kahit hindi pa niya ito napapa-imbestigahan.

Halata ring hindi nasunod ang kanyang daang matuwid dahil sangkatutak din naman ang anomalya sa kanyang administrasyon lalo na sa usapin ng pagbudget at paggamit sa pera ng bayan.

Maging ang mga tao na rati’y naniniwala sa kanyang matinong pamamahala ay pabawas na ng pabawas at ito ay malinaw sa sangkatutak na survey na nagpapatunay na hindi na sila sang-ayon sa palakad ni PNoy.

Bukod sa selective prosecution ay kitang-kita rin sa administrasyong ito ang kawalan ng plano sa maraming aspeto na siyang kailangang sa matatag na ekonomiya.

Naririyan ang problema sa kuryente sa halos lahat na ng parte ng bansa na lubhang kailangan para masustena ang patuloy na sinasabi nilang paglago ng ekonomiya.

Bagaman sinasabi nilang nababawasan ang unemployment rate sa bansa ay nagdudumilat naman ang katotohanang umaabot na sa 3-milyon ang walang hanapbuhay sa estado.

Katoto lamang ni PNoy ang naghahangad ng kanyang pangalawang termino dahil sila ay hapi pero malinaw naman sa pulso ng mamamayan na ayaw na nila sa anak ni Tita Cory at iyan ay lalabas sa mga darating na survey na kung saan tatanungin na ang taumbayan sa term extension nito.

Tao ang dapat magtulak sa 2nd term ni PNoy at hindi ang kanyang mga kaalyado sa LP katulad nina Kinatawan Egay Erice at Ben Evardone, na may tatak nang tuta ng Palasyo.

‘Wag na sanang niyang abutin ang hagupit ng taumbayan at kasaysayan dahil sayang naman ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang na may tatak talagang pagmamahal sa demokrasya at mamamayan. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES