Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG KATOTOHANAN

$
0
0

HUWAG basta maniwala sa iyong maririnig sapagkat kailangang masaksihan ang buong pangyayari dahil posibleng may nawawalang bahagi ng kwento na laging may tatlong bersyon – mula sa kanila, mula sa iyo at ang katotohanan.

Ilang beses ko na ring naririnig sa ilang negosyante ang mga bali-balitang may sindikato sa auction na nagaganap sa Port of Manila sa Bureau of Customs pero hindi ko kaagad ito pinaniwalaan.

Bagaman tamang hinala na rin ako sa aking mga naririnig, minabuti ko na saksihan ang ginagawang bidding sa third floor ng gusali ng Bureau sa Port Area, Manila noong Agosto 11, 2014.

Nang magsimula, inakala ko na normal lang ang takbo ng kaganapan dahil wala pang kakaibang pangyayari.

Pero nang magbigay na ng presyo ang mga negosyanteng kasali sa bidding, doon na makikita ang ilang kakaiba at kahina-hinalang gawain ng committee ng auction.

Sa halip na kunin ang dalawang highest bidder at pumili sa dalawang ito, muling nagkaroon ng bagong floor price ang loteng ibinibid at muling nagsimula ang bagong bidding.

Nagpataasan nang nagpataasan ng tatlong porsyento na siyang nasa batas ng bidding.

Tuwang-tuwa naman ang nasa committee sa patuloy na pataasan ng presyo ng bidders.

Sabi ng nasa committee “sige lang pataas pa nang pataas ang presyo niyan para matuwa si PNoy.”

Ilang beses inulit ng pinaka-head ng committee na “matutuwa si PNoy” dahil daw “in favor of the government” ang nangyayari sa patuloy na pagtriple ng presyo mula sa floor price na ibinigay nila.

Sabi naman ng isa sa dalawang bidder na natira sa patuloy na pagpapataasan ng presyo, tiyak na sila na ang mananalo dahil kausap na nila ang nasa committee na sa kanila ibibigay ang lote dahil nakapagbigay na sila sa mga ito ng paunang bayad.

Nagulat man, ngumiti na lang ang PAKUROT sa negosyante na akala ay kasama ang inyong lingkod ng isa sa bidders.

Ang nanalo ng pinakaaasam na lote ay ‘yun ngang negosyanteng nagsabi na kausap na nila ang nasa committee.

Sabagay, napatunayan ng PAKUROT na talagang may sindikato sa loob ng BOC dahil mismong mga opisyal ng nasabing tanggapan ay hindi kayang buwagin ang sindikato dahil sa laki ng kanilang pakinabang.

Ilang beses na rin namang may lumapit na negosyante sa Pakurot at mismong dating mamamahayag na nasa loob na ng customs ang kanilang nilapitan subalit hindi kayang ilabas ang mga produktong nasa loob ng teritoryo ng BOC dahil nga sa pagdaan sa proseso na hawak din ng sindikato.

Ngayon, asan ang sinasabi ni PNoy na “Daang Matuwid?”

Maging si Pangulong Aquino ay naliligaw na rin sa kanyang tinatahak dahil sa mga maling tao na nakapaligid sa kanya.

Patuloy ang pakikinig at paniniwala niya sa mga taong ito na hindi naman layunin na pagsilbihan ang “mga boss” ng kanilang boss. PAKUROT/Lea Botones


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>