Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ELECTRONIC WASTE MASAMA SA KALUSUGAN AT KAPALIGIRAN

$
0
0

hilda-online-logoKAPAG may napapanood tayo sa telebisyon o nababasa sa diaryo na may bagong mga ipad, tablets, cellular phones, laptops, DVD player at electronics gadgets.

Siguradong napabibili tayo. Ang iba naman ay napanalunan marahil sa mga raffle o kaya regalo mula sa magulang at kaibigan.

Kung ilalagay sa dapat kalagyan ang mga bagong kagamitang ito, siguradong ang mga luma ay mapapalitan na, subalit sa halip na itapon ang mga ito, dapat na irecycle na lamang ang mga nasabing lumang gadget.

Ito ang payo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) kalihim Ramon JP. Paje at binalaan din niya ang publiko na ang pagtatapon ng electronic waste sa mga basurahan ay magreresulta sa seryosong problema sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao.

Ang mga electronic waste o e-waste ay may potensiyal na toxic chemicals na nanunuot sa lupa o kaya ay sa suplay ng tubig o naglalagos sa hangin na naglalagay sa panganib lalo na sa kalusugan ng tao.

“Kung mangyayari na kayo ay magpapalit o kaya ay may unused electronic gears, appliances na nakalagay sa paligid ng bahay, huwag basta na lamang itatapon sa basurahan,” ayon kay Kalihim Paje. “Marami sa mga bahagi ng mga nasabing gamit ay kinukonsiderang toxic at hindi biodegradable kaya makasasama sa kapaligiran at kalusugan ng tao kapag hindi naitapon ng maayos.”

Palagi nating tatandaan na sa anomang bagay, pangunahing kailangan ng bawat isa sa atin na matuto tayong sumunod sa batas, sa paraan ng pagtatapon ng basura upang hindi madoble ang ating basura kahit nakagagawa tayo sa araw-araw ng marami.

Ang sabi nga ni Secretary Paje, “Disiplina ang dapat mayroon tayo sapagkat, ito ang kailangan ng bawat isa.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>