WOW! Super sa lakas at tibay itong Vocano KTV Bar sa Taft Ave. Ext., Pasay City.
Ito’y sa kabila ng kare-reyd lamang ito ng National Bureau and Investigation (NBI) kamakailan dahil sa paglabag nito sa Anti-Human Trafficking law na kung saan ay 19 na kababaihan ang nasagip ng NBI.
Nakapagtataka talaga na patuloy pa rin ngayon na nag-o-operate ang nasabing KTV Bar sa kabila ng aksyon ng NBI.. Ang lakas ‘di po ba?
Isang alyas Joy na asawa ng isang umano’y maimpluwensyang negosyanteng Chinese ang sinasabing may-ari ng nasabing KTV bar.
Grabe ang KTV Bar na ito dahil bukod sa paglabag nito sa batas na anti-human trafficking ay front pa umano ito ng prostitusyon.
Halos lahat ng mga kababaihan sa nasabing KTV Bar ay isa-isang “pinapasultada” (sex) sa mga kostumer na nagpupunta sa KTV Bar.
Ano ba ito, Pasay Mayor Antonino Calixto?
Simula pa noong kapanahunan ni Mayor Pablo Cuneta ay binansagan ng “SIN CITY” ang Pasay City.
Hanggang ngayon pa rin ba ay taglay pa rin niya ang bansag na ito?
Kumilos ka naman at magpakitang-gilas, mayorrrrr…..
PASUGALAN SA PARANG LIGAL
Simula Lunes hanggang Linggo kung magpatupada si Kap. Mapalad sa Brgy. Sampaga, Balayan, Batangas. Pero hindi lang tupada ang ino-operate ni Kap. Mapalad. Malakasan din ang kanyang color games at sakla.
Bukod sa malakas ay mapalad din si Kap. Mapalad dahil sa hindi hinuhuli ng kapulisan ng Balayan ang kanyang iligal na pasugalan.
Sa Brgy. Quilib ng Rosario, Batangas, gaano katotoo na ang nagpapasakla daw rito ay si ex-police Sgt. Marcing Legarte?
Hindi rin daw hinuhuli ng mga kapulisan ng Rosario ang nasabing dating pulis.
Magkano kaya ang ibinibigay ni sarhento?
Tangna naman uh…
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/Johnny Magalona
