Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CAR BOMB AT TERM EXTENSION

$
0
0

KUNG totoo ang sinasabi ng National Bureau of Investigation, hindi na lang ang mga rebeldeng taga-Mindanao at jihdist o holy warrior na taga-Middle East ang dapat bantayan kaugnay ng terorismo.

Dapat na bantayan din ang mga sundalo, pulis at iba pa na may kakaibang iniisip ukol sa mga nagaganap sa pamahalaan.

Kaugnay ito, mga Bro, ng umano’y nadiskubre ng NBI na pagkakasangkot ng mga miyembro ng samahang “Guardians” sa tangkang pambobomba sa Ninoy Aquino International Airport 3.

CAR BOMB

Sabi ng NBI, sinubaybayan nila sa loob ng isang linggo ang tangkang pagpapasabog ng car bomb sa NAIA 3 kahapon ng madaling-araw.

Nasakote ang apat na suspek habang inaasembol ng mga ito ang malakas na improvised explosive device sa loob ng isang Toyota Revo na nakahimpil sa loob ng parking area ng paliparan.

May nakumpiska rin silang mga baril at mga papel na doon sana ihahayag ng mga suspek ang pag-ako sa pambobomba.

Muntik nang mapahamak ang napakaraming tao at ari-arian na karaniwang nasa parking area dahil sa 24 oras na paghahatid-sundo sa mga pasahero ng mga eroplano.

PROBLEMA SA WEST PHILIPPINE SEA

Ayon sa NBI, hindi umano kuntento ang mga suspek sa mga pinaggagagawa ng pamahalaan sa problema sa West Philippine Sea.

Sa kasalukuyan, dinaraan ng gobyerno sa demanda sa United Nations ang pakikipag-agawan sa Tsina ng teritoryo sa 200-mile exclusive economic zone.

Kakambal nito ang mga protesta ng gobyerno sa Tsina tuwing may dumarating na barkong Tsino na pandigma o pulis at iba pa sa mga islang inaangkin ng Pilipinas ngunit inaangkin din ng una.

Marahil ay gustong palabasin ng grupo na kung ano ang ginagawa ng Tsina sa lugar, gaya ng pag-agaw at pagtatayo ng mga base militar sa bawat isla ay gayundin ang gagawin ng gobyerno.

BARKING AT THE WRONG TREE

Dito natin biglang naalaala ang kasabihang barking at the wrong tree…mali ang tinatahulan o sinisisi ng grupo ukol sa problema.

Sa ibang salita, mga Bro, bakit ang mga sibilyan ang dapat na mamamatay at masiraan ng ari-arian para lang maihayag ng grupo ang kanilang hinaing o gusto?

Dahil ba sa malaki ang magiging epekto nito, lalo’t itinuturing na pintuan ng mahal kong Pinas ang NAIA?

Kaya hindi na baleng mamamatay ang mga sibilyan?

Tiyak naman kasing magkakaroon ng kaguluhan sa Pinas, mga Bro, kung may pagsabog sa lugar.

Anak ng pitong putakte, maaari pa ngang magkaroon ng martial law  kung hindi makontrol ang katulad na pambobomba.

At marami ang ibig-sabihin nito.

KAPALIT NG CHACHA, TERM EXTENSION?

Hindi natin pinagdududahan ang gawa ng NBI ukol sa car bomb.

Kaya lang, sa ating kasaysayan, ‘yang pambobomba ay hindi ordinaryong pangyayari.

Lalo na kung wala itong kinalaman sa mga rebelde at galing sa ibang mga grupo.

Bago dumating noon ang martial law noon, katakot-takot na bombahan ang mga naganap. ‘Yun pala, sinadya ang mga bombahan para may dahilan sa deklarasyon ng batas militar.

Ito’y para manatili sa poder ang mga nakaupo noon bilang anyo ng term extension sabay retoke sa Konstitusyon para magmukhang Konstitusyonal at ligal ang lahat ng kilos nila.

Mauulit kaya ito dahil sa pagkontra ng mga mamamayan sa term extension, Chacha at para mapagtakpan ang mga kabalbalan ng mga nasa poder na maaaring mas masahol pa sa kalokohan sa nakaraan?

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.re-mate.ph o i-text sa 09214303333. ULTUMATUM/Benny Antiporda


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>