Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAYOR LIM AT ISKO MORENO PAREHONG HINDI MALINIS

$
0
0

burdado-jun-briones2SA nagaganap na personalan nina Manila Mayor Fred Lim at Vice Mayor Isko Moreno ay kapwa walang malinis na hangarin ang dalawa.

Dito na lang, parekoy, sa pag-aresto ng mga pulis kina Isko at ilang Konsehal ng Maynila. Oo nga’t iligal na maituturing ang Bingo, pero alam naman natin na kahit nga sa loob ng malalaking mall ay may mga palarong Bingo.

Dahil nga hindi naman ito napakalaking isyu gaya ng kaso noon ng anak ni Lim na iligal na droga, ang Bingo ay pinapayagan kung ito ay may permiso. Ibig kong sabihin, parekoy, sana ay inuna munang linisin ng mga pulis ang iba’t ibang uri ng iligal na naglipana sa Maynila, gaya ng iligal na droga bago nila pagdiskitahan ang nasabing pa-Bingo ni Isko.

Ito’y para walang maikakatwiran itong si Mr. Ghost Employee na siya ay pinepersonal o pinupulitika ni Lim dahil sa paglundag niya papunta kay Erap.

At kung ipagpipilitan naman ni Col. Layug na walang iligal sa Quiapo area na kanyang nasasakupan ay magiging tanga at ginagago niya ang sarili!

Sa panig naman ni Lim, bago niya dalirutin ang kasong ito ni Isko tungkol sa iligal na sugal ay patunayan muna niyang hindi ito dahil sa pulitika.

Unahin muna niya ang pagsugpo sa iligal na droga!

Ito namang si Vice Mayor Isko Moreno ay hindi rin marunong mag-ingat kahit alam na talaga niyang inaabangan ni Lim ang bawat hakbang mula nang lumundag siya kay Erap!

Anoman ang sabihin ni Isko, iligal pa rin ang nasabing pa-Bingo dahil ginawa nila ito nang walang permiso. Hindi rin maikakatwiran na  ilang taon na nila itong ginagawa, dahil ang iligal ay iligal!

Kung hindi man ito noon pinagdidiskitahan ni Lim, ‘yan ay dahil magkadikit pa sila noon at hindi pa sila namumulitika!

Nakalimutan din marahil ni Isko na ang ilang isyu sa kanya ay ang pagiging gumon umano nito sa casino na dahilan kaya napakaraming “ghost employee” ang kanyang opisina na posibleng ginawa niyang pera! Sa sugal ka na nga nasasangkot, eh, sugal pa rin ‘yang gimik mo ng pangangampanya! Tsk, tsk, tsk!

Sa totoo lang, parekoy, ang kawawa sa ganitong laro sa Maynila ay ang mismong taumbayan at ilang pulis. Bakit kaya hindi magdebate itong mga lintek na politiko ukol sa mga serbisyo at proyekto para sa bawat Manilenyo?

At sa mga pulis naman na magpapagamit sa politiko, tiyak matindi ang resbak niyan!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247