Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANG. NOYNOY BIKTIMA NG KARAHASAN, KAIGNORANTIHAN

$
0
0

SI Pangulong Benigno Aquino III at mga kaanak ay biktima ng karahasan. Ang kanilang amang si Benigno Aquino, Jr., ay pinaslang sa Tarmac noong Agosto 21, 1983 ng mga umano’y sundalo subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito maituturing na lutas na.

Ngayon, maraming nagiging biktima ng karahasan na hindi pa rin nalulutas at nabibigyan ng katarungan ang kanilang kamatayan. Dapat sana, dahil naranasan niya ang sakit ng nawalan ng mahal sa buhay dahil sa karahasan, isaayos niya ang bansa sa usapin ng kapayapaan at kaayusan.

Pero anong nangyayari? Inuuna ni Pangulong Noynoy sa kanyang “Daang Matuwid” ang pagtatanggol sa kanyang mga kakutsaba sa paggawa ng pera. Ang mga dapat sibakin sa puwesto ay pinoprotektahan upang huwag sumingaw ang baho ng kanyang administrasyon.

Walang pakialam si PNoy sa mga nagugutom, walang tirahan at mahihirap na mamamayan na kung hindi magbanat ng buto ay hindi kakain. Kaya naman upang hindi magutom ay napipilitang gumawa ng masama tulad ng pagnanakaw.

Pero ang masakit, pati ang pagpatay ay ginagawang trabaho na rin ng iba upang mabuhay ang kanilang pamilya. Wala kasing trabahong maibigay ang kasalukuyang administrasyon tapos ipagmamalaki na tumaas ang ekonomiya ng bansa.

Dahil naranasan ng pamilya Aquino ang maging biktima ng kalupitan, lalo na sa pulitika, dapat ay hindi ginagawa ni Pangulong Aquino ang panggigipit sa mga mamamayan, lalo na sa mga maglulupa.

Pero ano ang nangyayari? Dahil panginoong maylupa siya ay sobra-sobrang pahirap ang kanyang ginagawa sa mga magsasaka. Hindi ba’t biktima rin ang mga ito ng karahasan ng mga sundalo niya?

Maraming hukom, negosyante at mamamahayag ang pinaslang at hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katarungan. Naisip ba ni Pangulong Aquino na tulungan ang mga ito? Hindi ba’t wala silang ginawang aksyon upang malutas ang kaso?

Maliban sa pagkondena sa pagpaslang ay tulala ang nasa Malakanyang at maging ang Philippine National Police.

Kapag may malaking asunto na kasangkot ang matataas na opisyal ng pamahalaan at PNP, napipinahan ba ang mga ito? Nakakasuhan ba ang mga ito? Hindi ba’t ginagawang “sacrificial lamb” ang maliliit?

Kung ganoon, biktima rin pala ang Pangulo ng kaignorantehan?

Isang payo kay Pangulong Aquino na dapat niyang subukan. Bakit hindi siya kumuha ng tagapayo mula sa sektor ng mga maglulupa at mahihirap? Sa pamamagitan ng kanyang tagapayong ito, tiyak na maibibigay nito ang totoong pangangailangan ng mga mahihirap.

Puro kasi may kutsarang pilak sa bibig ang kanyang mga sulsultant kaya hindi nababatid ni PNoy ang totoong nagaganap sa sektor ng mahihirap at maging ng mga pangkaraniwang mamamayan. PAKUROT/Lea Botones


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>