Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SOBRANG DUMI NG MAYNILA

$
0
0

MATAPOS tayong matrapik noong nakaraang linggo sa Maynila ay nakita natin kung gaano ito napag-iwanan ng mga karatig siyudad sa Metro Manila.

Ito ang ating obserbasyon dahil halos nagalugad natin ang lungsod dahil sa sobrang trapik nating inabot nitong nakaraang Miyerkules na kung saan lahat na yata ng sulok ng Abad Santos, Avenida, Rizal Avenue Pier at side streets nito ay ating nadaanan makalusot lamang sa nakaiinis na trapik.

Hindi maikakaila at mapapasubalian na sangkatutak pa rin ang nagkalat na basura sa Maynila at iyan ang nakasusulasok na katotohan.

Bukod sa basurang gabundok sa kalye ay kitang-kita rin kung gaano ito sinalaula ng mga abusadong residente at opisyal ng barangay at siyudad dahil ginawa nilang parking area ang lahat halos ng lansangan na ating naraanan, bukod pa sa ginawa na rin itong bodega ng salaula nating mga kababayan.

Marapat na sigurong umikot si Mayor Erap Estrada sa Maynila dahil niloloko na siya ng kanyang mga tauhan at opisyales. Malinaw na lalong dumumi ang Maynila sa kanyang termino at ito ang kanyang dapat gawan ng paraan.

Paurong ang Maynila sa ating pagtatasa sa ngayon at ito ang dapat nilang aksyunan dahil kaya sila inihalal ng mga tagarito ay sawa na rin ito sa pangako ng dating heneral na naging mayor sa city hall.

Drastikong pagbabago ang kailangan ng lungsod at ito ay nangangailangan ng may political will na lider dahil kapag nagpa-unggoy-unggoy lamang ito sa puwesto ay tiyak na magiging pinakamabaho at maruming siyudad ang Maynila hindi lamang sa bansa kundi baka sa buong mundo.

Tama na ang pagpapapogi ng mga nasa city hall dahil baon na ang lungsod sa pangit na imahe sa lahat.

Panahon na ng pagbangon at ito ay dapat gawin ni Erap, ngayon na, dahil nakakaiirita na ang tanawin sa Maynila. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>