Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA POLITIKO SA LIKOD NG MEDIA KILLINGS

$
0
0

SA dalawang kasong pamamaril sa dalawang mediaman, may mga kahilingan ang mga biktima.

Isama sa mga dapat na imbestigahan ang mga politikong sangkot.

Hindi lang ang mga gunman at mga kasama ng mga ito sa mga aktwal na pamamaslang.

RICO NAVARRO, NANDING SOLIJON

Itong dalawang mediaman na parehong nasa radyo, mga Bro, ang may mga kahilingang isangkot ang mga lokal na politiko sa kanilang sinapit.

Sa pamamagitan ng balo ni Solijon na si Mely, hinihiling nito ang regional trial court na dumidinig sa kaso na isama sa kaso si Iligan City Mayor Celso Regencia bilang utak sa pagpatay sa kanya.

Sa ngayon, tanging ang pulis na si PO1 Peejay Capangpangan ng Iligan City Police Office ang pinaaaresto ni Judge Concordio Baguio sa pagpatay kay Nanding.

Nabuhay naman si Rico at hinihihiling nitong imbestigahan ang ilang lokal na opisyal, kabilang na ang isang mayor, isang bokal at isang chief of police.

Naniniwala si Rico na nasa likod ang mga ito ng bigong pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng isang baril na may silencer.

Isang blocktime commentator si Solijon sa isang FM station sa Iligan City samantalang station manager at komentarista naman si Rico sa DWIZ-Dagupan sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinatay si Solijon noong Agosto 29, 2013 habang binaril si Rico kamakailan lamang.

SANGKOT ANG GOBYERNO

Sa dalawang kasong ito, kitang-kita ang katotohanan sa pagkakasangkot ng mga taong pamahalaan.

Hindi mga ordinaryong kriminal, kahit pa notoryus, ang mga pinaghihinalaan.

Mga politiko ang mga nasa likod ng mga pagpaslang o pamamaril at mga alagad ng batas ang nagpapatupad ng kautusan ng mga politiko.

Hindi nagkaroon ng takot si Judge Baguio sa pag-uutos na arestuhin si Capangpangan at inaasahan nating isusunod nito ang mga politikong nasa likod ng pagpaslang kay Nanding…kung may lalabas na ebidensya para rito.

Sana ganito rin ang ipakita ng mga kinauukulan sa kaso ni Rico.

Sapagkat kung umiral ang takot sa mga may tungkuling magpatupad ng hustisya, saan tayo patutungo bilang lipunan?

Hindi dapat hayaang pamunuan tayo ng mga mamamatay-tao na libre sa pananagutan sa batas sa oras na gumawa sila ng krimen.

ISKALAWAG VS MATUWID

Sabi ni Pangulong Noynoy Aquino, dapat na idepensa ang Matuwid na Daan ng mga nasa pamahalaan.

Ito’y sa gitna ng pagkakasangkot ng kanyang mga kaibigan, kaalyado at kaaway sa pulitika sa iba’t ibang krimen sa anyo ng korapsyon, pandarambong at sa gitna ng mga kontrobersya na kinasasangkutan ng maraming pulis.

Magandang usapin kung ilapat ang pagdepensa ng Matuwid na Daan sa media killings.

Mahigit nang 170 ang napapatay na mediamen sa mahal kong Pinas simula nang mamuno bilang Pangulo ang ina ni PNoy na si Cory Aquino at mahigit na sa dalawang dosena ang napapatay simula nang maupo naman siya sa Malakanyang noong 2010.

Dalawang taon na lang ay matatapos na ang kanyang termino.

Magandang maranasan ng mediamen ang masigasig na pagtatanggol ni PNoy sa mediamen, lalo na kung isipin din na naging mediaman din ang kanyang amang si dating Senador Ninoy Aquino.

Sa katunayan, naging masigla ang media noong nabubuhay pa ang tatay ni PNoy at ito ang sumusundot noon sa konsensya ng bayan at pamahalaan sa gitna ng mga pampulitika at panlipunang kabulukan.

MEDIAMEN MAG-INGAT

Hindi dapat na maging kampante ang mediamen sa gitna ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga pulis.

Bagama’t marami ang mga sumusuko o nahuhuling pulis na kriminal, mayroon din sa mga ito ang nagtatago.

Armado ang mga ito at kung magpapatuloy ang krimen ng mga ito, hindi malayong gamitin ng mga ito ang kanilang mga armas sa oras na nabubuko sila ng mediamen.

Ito nga lang mga nadismis na pulis na sangkot sa mga krimen at kasabwat ng mga aktibong pulis sa paggawa ng mga krimen ay armado, ‘di lalong armado ang mga nagtatagong pulis na hindi nagsusurender ng kanilang mga armas.

Kaya naman, ang kalagayang ito ay dapat na itanim ng mediamen sa kanilang mga isipan.

Nanganganib sila sa mga pulis na kriminal.

Lalo na kung iisiping may sangkot din na mga pulis na gun-for-hire gaya ng posibleng naranasan nina Navarro at Solijon.

WARLORD AT PULISYA

Muli, babanggitin natin ang mabilis na paglapit ng halalang 2016.

Sa katunayan, nagsimula na ang “search and destroy” ng mga politiko sa isa’t isa.

Sa ngayon, puro imbestigasyon at demandahan ang nagaganap sa mga magkakalaban.

Naghahanapan sila ng mga butas laban sa isa’t isa at nagmamamaniobra sila hindi lang para siraan ang isa’t isa kundi ipabilanggo ang isa’t isa.

Dito umaapoy ang pingkian ng mga politiko.

Hindi malayong hahantong ang lahat sa mga patayan.

At maaaring ang mga pulis at militar na rin, na mga badigard ng mga politiko ay masangkot sa mga patayan.

Hindi malayong mautusan ang mga pulis, militar at iba pang armado ng pamahalaan na pumatay ng mga politiko at mediamen na rin.

Mag-ingat talaga ang mediamen sapagkat marami nang warlord na politiko na mga pulis, militar at iba pa ang mga taga-kalabit nila ng gatilyo at magmumukhang ligal na ligal pa ang mga pamamaslang.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www. remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>