Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT BANG PANIWALAAN SI MERCADO LABAN KAY BINAY?

$
0
0

GRABE ang ginawang pagbubunyag ni dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado laban kay VP Jojo Binay.

Nakatanggap umano kasi si VP Binay na dating alkalde ng Makati ng 13% sa lahat ng gawain sa lungsod.

Sa sinasabing parking building phase 1 ay tumanggap daw si Mang Jojo ng P52-milyon at iyan ay ayon sa pahayag ni Mercado.

Kung hindi mag-aanalisa ang nakikinig, nakapanood at nagbabasa ng balita tungkol dito ay talagang maniniwala ka kay Mercado gayung malinaw na naglalabas lamang ito ng sama ng loob sa mga Binay dahil tinalo siya ni Mayor ‘Junjun’ Binay noong 2010 election.

Malinaw na sour graping ang ginagawang ito ni Mercado at mas malinaw na ang paninira kay VP Jojo ay isang pakana lamang ng mga taong masulot siya sa Malakanyang dahil malinaw sa mga nakalipas na survey na halos 40% ng mga Pilipino ang pabor sa lideratong Binay bilang susunod na pangulo ng bansa.

Malinaw rin na ang ginagawang pagdurog nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes ay may halong pulitika dahil parehas na nagdeklara ang dalawang ito ng interes sa pagka-pangulo ng Pilipinas.

Hindi rin maikakaila na may motibo rin ang dating vice mayor ng Makati na gibain ang buong pamilya Binay dahil gusto raw uli nitong bumalik sa politika sa lungsod.

Sa maikling paliwanag, personal na interes ang nananaig kina Mercado, Trillanes at Cayetano sa paggiba nila kay Binay at iyan ang dapat pag-aralan at tingnang mabuti ng mamamayan.

Marami pang pagsalaula sa pangalan at integridad ng Binay ang tiyak na darating kaya’t dapat tayong maging maingat sa pagsusuri at paniniwala dahil ang lahat ng ito ay may bahid politika.

Ang pagsasampa sa korte ang solusyon sa isyung ibinabato kay VP Binay at iyan ang dapat gawin nina Cayetano, Trillanes at Mercado pero hindi nila ginagawa dahil ginagamit nila ang Senado sa pamumulitika para tuloy-tuloy na pag-usapan ng bayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Top 100 Tagalog Love Quotes Collections Online


Top 2014 Tagalog Love Quotes


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.6.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES