Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA BIKTIMA TULUNGAN

$
0
0

MILYON-MILYON katao ang biktima ng bagyong Mario.

Bagama’t humupa na ang kalagayan ng maraming biktima mula sa matitinding pagbaha, marami pa rin ang nananatiling binabaha.

Marami rin ang nawalan ng kuryente hanggang sa kasalukuyan at marami ang nawawalan ng negosyo at hanapbuhay.

Kabilang sa mga hanapbuhay at negosyo na nasira ang mga pananim, alagang hayop, palaisdaan, buy and sell, konstraksyon sa pagkasira ng mga makinarya at pagkasira ng mga itinatayong proyekto at marami pang iba.

Sa Cordillera at Ilocos region, hanggang ngayon ay marami ang hindi makabiyahe para sa personal na dahilan, hanapbuhay at negosyo.

Napakarami ang mga nasirang kalsada at tulay.

Mahigit namang 130,000 ang matatagpuan pa rin sa mga evacuation center at umaasa sa limos ng mga may magagandang kalooban.

Ang tanong natin sa mga kinauukulan: sapat ba ang mga tig-iisang noodles at sardinas na ibinibigay sa lahat ng mga biktima, lalo na ang milyon kataong napinsalaan ng mga hanapbuhay at ari-arian?

Tayo’y nagtatanong, parekoy, dahil kung magpakawala ang gobyerno ng pondo sa mga imprastraktura na kinokorner ng mga dambuhalang kompanya ay napakadali at napakalalaki.

Bilyon-bilyong piso at daan-daan bilyon pa.

Ibig-sabihin, kaiba ito sa mga pinakakawalan ng gobyerno para sa mga kinakalamidad.

Kung nakaabot na ito sa kung ilang milyong piso lang, nagpepreno na ang gobyerno at basta na lang humihinto na may pagmamalaki.

Kahit pa umaangal ang mga mamamayan sa kapabayaan ng pamahalaan sa kanila.

Hanggang sa ipagtatapon ng gobyerno ang mga nasisirang relief goods dahil sa katatago sa mga ito, bukod pa ang mga inaangkin ng kung sino-sino hanggang sa sasabihin nilang ubos na ang lahat.

Alam ba ninyo, parekoy, kung paano ipadama ang pagkalinga ng pamahalaan sa mga biktima ng kalamidad?

Umalis sila sa kani-kanilang mga de-aircon na opisina at pumunta sila sa mga barangay kasama nina kapitan, kagawad at tanod at hanapin ang mga biktima.

Hindi sila mauubusan ng mga taong nangangailangan at biktima ng kalamidad.

Kung magagawa nila ito, sasaludo tayo sa Tuwid na Daan. Kung hindi, bahala na sila sa buhay nila. Pwe! BURDADO/JUN BRIONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>