Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ILLEGAL GAMBLING, ETC. SUSI NG PAGYAMAN NG PNP EXECS

$
0
0

SINONG opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang hindi nagkamal ng salapi sa mga iligal na pasugalan at kung ano-ano pang iligal? Sige nga lumantad nga kayo, tingnan nga natin kung hindi kayo tamaan ng kidlat.

Kung mayroon mang magsasabing opisyal na hindi siya kumita ng pera sa mga iligal na pasugalan ay nuknukan siya ng kasinungalingan sa katawan.

Bakit ba pinag-aagawan ng mga opisyal na ito ang pagiging PNP Chief? Dahil milyon ang dumarating na payola rito. Biruin mo namang pagkaupong-pagkaupo pa lang ng opisyal sa PNP ay mayroon na agad nakaabang na milyones bilang lobby money.

Hindi kaila sa atin na ang iligal na sugal nanggagaling ang pinakamalaking halaga ng perang tinatanggap ng isang PNP chief.

Sino ba ang gambling lord ang hindi untouchable? Wala dahil silang lahat ay malakas na bagyo ang dating sa hepe ng kapulisan.

Noong mga nagdaang panahon ay nakausap ko ang isang district director ng Manila Police District (MPD) at tinanong ko ito kung totoo na mahigit isang milyong piso ang kanyang  natatanggap mula sa mga iligal na pasugalan sa Maynila sa loob lang ng isang linggo.

Na-shocked ako sa sinagot niya dahil itinanggi niyang may tinatanggap siyang lingguhan. Sa halip ay sinabi nito na abonado pa raw siya sa mga gastusin ng kanyang opisina, kawawa naman po ano?

Noong tanungin ko siya kung bakit ba pinag-aagawan ng mga opisyal ang pagiging District Director ng MPD, napatingin siya sa akin sabay sabing may appointment pa raw siya .

Well, sinasabing hindi lang ang pagiging PNP Chief ang inaasam-asam ng mga opisyal. Pinag-aawayan  at pinag-aagawan din ng mga ito ang mga pwesto bilang Regional Director, Provincial Director at maging hepe ng mga operating unit, gayundin dito sa Metro Manila. Ang mga opisyal ng PNP ay nag-aagawan para maging NCRPO Chief at maging District Director ng 5 police districts, gayundin ang pagiging hepe ng mga operating unit.

Kahit na ipa-lifestyle check mo ang mga opisyal na ‘yan ay walang makukuhang konkretong ebidensya na si general o si colonel o si major o kapitan o si tinyente ay gumamit ng pera sa gobyerno dahil aminin man nila o hindi, ang yaman nila ay nanggaling sa  mga iligal, partikular na ang illegal gambling at droga.

Kung ‘yung mga tauhan nga lang ng isang operating unit na may mga ranggong POI hanggang SPO4, eh, ang gagara ng mga sasakyan at mansion ang mga bahay, nag-aaral sa mga exclusive school ang mga anak, may 2 o 3 katulong sa bahay, gayong ang asawa ay wala namang trabaho at noong pumasok sa pagka-pulis ay WW na ang ibig-sabihin ay walang-wala.

Kahit na yata sino pa ang maging Pangulo ng bansa ay hindi na maaalis ang kalakarang ito hangga’t hindi nililigal ang lahat ng sugal at walang naparurusahan ng bitay sa droga, dahil ang mga iligal at droga ang pinagmumulan ng milyon-milyon na pera na walang makikitang ebidensya.

At kahit sino pa ang maging chief PNP ay ganyan pa rin ang mangyayari, magkakamal pa rin ito ng malaking halaga ng salapi. Sino ba ang nagretirong PNP chief na mahirap? Wala. Lahat sila puro mga milyonaryo noong bumaba sa puwesto.

Tama po ba ako, PNP Chief, Gen. Alan Purisima? LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>