Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAAGANG MAGIGING LAME DUCK SI PNOY

$
0
0

TIYAK na maghahanap na ng bagong amo ang mga opisyal at politikong taga-suporta ng anak ni Tita Cory.

Ito ang resulta ng nakalipas na Pulse Asia survey na kung saan malinaw na lumabas na ayaw nang bigyan ng sambayanan ng pangalawang termino si Pangulong Benigno Aquino.

Kitang-kita sa survey na isinagawa noong ikalawang linggo ng Setyembre, na sa 10 Filipinong tinanong ay lumabas na anim katao ang nagsabing enough na ang PNoy presidency at kailangan na niyang lisanin ang Palasyo sa 2016.

Mababanaag din sa resulta ng naturang survey na mas gustong sumugal ang mga Filipino sa isang bagong liderato kaysa manatili ang anak ni Tita Cory sa puwesto.

Ipinakita rin sa Pulse Asia result na ayaw rin ng mga Filipino ang charter change o pag-amyenda sa Saligang Batas ng bansa dahil nakakuha rin ito ng 62% na pag-ayaw.

Malinaw rin na sobra na ang galit ng mga taga-Luzon at Metro Manila sa kasalukuyang liderato dahil dito nakakuha ng mas mataas na porsyento ng pag-ayaw sa ikalawang termino ni PNoy.

Sa survey, lumalabas na umabot sa 67 hanggang 71 porsyento ng taga-Luzon at Metro Manila ang ayaw nang bigyan ng ikalawang termino ang Pangulo.

Napag-alaman din na halos lahat ng socio economic class ng mga Filipino ang nagkakaisa na hindi na dapat bigyan ng second term ang Pangulong nagpasimula ng DAP.

Kung nagsalita na ang mga boss ni PNoy ay tiyak nang magkakaroon ng sikretong pagkilos sa panig ng mga politiko at opisyal ni PNoy dahil kailangan nila ng bagong amo na masasandalan at masusulingan.

Kaya nga nauso ang balimbing sa ‘Pilipinas dahil kilalang mas prayoridad ng ating mga politiko ang pansariling interes kaysa kapakanan ng taumbayan.

Kaabang-abang ang mga drastikong pagkilos sa politika sa bansa at iyan ang ating susubaybayan dahil kung humihina na si VP Jojo Binay sa madla ay kanino na susuling ang mga politikong nais makasigurado? ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>