Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGSASABWATAN LABAN KAY BINAY

$
0
0

HAYAGAN nang tinukoy ng kampo ni Vice-President Jojo Binay si DILG Secretary Mar Roxas at ang tatlong senador ng Senate Blue Ribbon sub-committee bilang mga nagsasabwatang personalidad sa likod ng mga paninira sa kanya.

Ang layon ng tatlo ay ibagsak, syempre, ang kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections. Ang nagbulgar nito ay ang abogadong si JV Bautista, pati si UNA interim president Toby Tiangco.

Ang LP faction ni Roxas at ni Budget Secretary Butch Abad ang nagpopondo sa mga pagpaparatang kay Binay sa pamamagitan nina dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado at Atty. Antonio Bondal.

Kung totoo ang ibinulgar ni Bautista na ang helicopter na ginamit sa pag-video ng umano’y 350-hectare property ni Binay sa Rosario, Batangas ay pag-aari nina Buddy Zamora at Eric Gutierrez, aba’y malinaw nga ang konek ng “Oplan: SN16 Conspiracy” kay Roxas.

Sino ba itong si Zamora? Siya lang naman ang sinasabing chief financier ni Roxas tuwing eleksyon habang si Gutierrez ay partner sa negosyo ni administration Rep. Edgar Erice. Ang “Oplan: SN16″ ay codename sa “Operation Plan: Stop Nognog in 2016.”

Kumpirmado naman, ayon kay Tiangco, ang conspiracy sa pagpasok ni Justice Secretary Leila de Lima sa eksena na mag-iimbestiga sa mga alegasyon laban sa mga Binay, tulad ng umano’y overprice sa Makati City Hall Building 2 at ang Batangas property raw ni Binay.

Ngayong linggo ay muli raw lalabas si VP Binay, balita ni Bautista, para maglabas ng ebidensya para pabulaanan ang mga paratang sa kanya ng mga tulad nina Mercado at Bondal at pati ng mga senador tulad ni Alan Peter Cayetano at iba pang senador.

Sa isang talk show, ibinulgar ni Bautista na nagsinungaling si Mercado nang ipagmagaling niya na siya ay sakay ng helicopter nina Zamora at Gutierrez nang kunan nito ng video ang property ng Sunchamp.

Hindi si Mercado ang sakay ng chopper, bagkus ay ang graphic artist ni Cayetano, nang ito’y mag-reconnoiter sa naturang property, aniya.

Tinuldukan naman ni Bautista ang anomang paglabas ni VP Binay sa harap ng Senate Blue Ribbon sub-committee dahil bahagi ito ng “conspiracy” ng tatlong senador na nananakot at nagbabanta pa sa mga resource person kapag hindi nila nakukuha ang gusto nilang sagot para idiin ang mga Binay.

Para naman kay Tiangco, kitang-kita ang kumpas ni Roxas at ang LP faction nila ni Abad sa black propaganda laban sa Vice President dahil kilala si De Lima na protektor ng mga nasa administrasyon na sangkot sa anomalya at berdugo ng mga nasa oposisyon na gustong durugin sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso.

Pumapalag na, mga suki, ang kampo ni VP Binay. Nangangahulugan ba ito na napuno na ang salop?

Tama lang na huwag siyang pumayag na maging punching bag ng mga taong ito na nagsasabwatan para siya’y pabagsakin. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>