Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EBOLA KUMAKATOK NA SA PINAS, GOBYERNO INUTIL

$
0
0

KUMAKATOK na sa mahal kong Pinas ang walang lunas at nakamamatay na sakit na ebola.

Subalit lumalabas na kapag napasok tayo ng sakit na ito, wala tayong kalaban-laban.

Baka kung ano ang nagaganap sa mga bansang Liberia, Sierra Leone, Guinea at Nigeria, ay mangyari rin sa atin.

May namatay nang 4,447 mula sa 8,941 biktima at naganap ito sa nakalipas na ilang buwan lang.

Ang masakit, mga Bro, lumulundag ang bilang ng mga biktima, ayon sa United Nations.

Maaari umanong umabot sa 10,000 kada linggo ang tatamaan ng sakit sa mga susunod na araw at ibig-sabihin na 5,000 ang mamamatay kada linggo.

Para sa US Centers for Disease Control and Prevention, posibleng aabot sa 1.4-milyon ang magkaka-ebola sa Enero 2015 at kung ganoon, nasa 700,000 rin ang mamamatay sa loob lang ng isang taon?

OFW UMUUWI AT PAUUWIIN

Simple lang unawain, mga Bro, ang pagkatok ng ebola sa ating bansa, sa ating mga tahanan.

May mga umuuwi na overseas Filipino worker mula sa nasabing mga bansang sinasalakay ng sakit.

Sino ang makatitiyak na walang makapagdadala ng sakit sa kanilang pag-uwi?

Sa darating na buwan, sapilitan na ring pauwiin ng pamahalaan ang mahigit 100 miyembro ng UN peacekeeping force sa Liberia.

Sino rin ang makatitiyak na hindi sila makapag-uuwi ng sakit? At ito ang nakatatakot: nasa alert level 3 na ang babala ng ating gobyerno para sa mga nasa 11,000 OFW sa nasabing mga bansa.

‘Yun bang === pwede na silang umuwi nang boluntaryo.

Hindi pa naman umaabot sa alert level 4 ang babala na paiiralin na ang sapilitang maramihang pagpapauwi gaya ng ginawa sa Libya sa kasagsagan ng giyera sibil doon.

WALANG KAHANDAAN

Dalawang grupo ng health professionals ang nagsasabi na hindi tayo handa laban sa ebola.

Ang Philippine Medical Association at ang Alliance of Health Workers.

Sabi ng dalawang grupong ito, mga Bro, wala tayong kahit sinong doktor o nurse na may kaalaman sa sakit na ebola.

Bagong sakit umano ito na hindi pa naeengkwentro ng mga medical professional sa bansa.

Wala tayong nakahandang ospital at wala ring anomang pagsasanay laban dito.

Wala rin tayong anomang kagamitan para maging ligtas ang mga medical professional natin at lalong wala tayong mga “panlaban na gamot.”

Kaya naman, kapag dumating ang ebola, batay sa mga sinasabi ng dalawang grupo na ito, aba, magdasal na tayo at sa mga santo at sa Diyos na lang tayo magpatulong?

Sa ibang salita, baka sa halip na kumita, maging ang mga punerarya ay magkandalugi-lugi sa dami ng mga mamamatay.

Kita naman natin kung paano iniiwan na lang sa mga lansangan ang mga namamatay sa tatlong nasabing bansa at bahala na ang gobyerno, UN at Doctors Without Borders na maglibing sa mga ito.

LABANAN SA POLITIKA

Anak ng tokwa, kung susubaybayan natin ang ating mga lider sa bansa, wala nang ginawa ang mga ito kundi ang magsiraan para sa agawan sa kapangyarihan.

Wala tayong nakikita sa mga ito na nagsasalita man lang kahit na kaunti ukol sa ebola.

‘Yang magpabilanggo sa isa’t isa ang inaatupag upang sa darating na halalang 2016 ay sigurado na sila ang manatili o papalit sa pwesto nang may pwesto.

‘Di ba ginagawa sa ngayon ang pambansang badyet?

Wala tayong naririnig mula sa Malakanyang hanggang sa Kongreso na naglalaan ng ispesyal na pondo laban sa ebola.

Ang lumalabas ay kanya-kanya ang mga palusot na proyekto para sila makapagpapogi sa 2016 at magkaroon na rin ng salapi o komisyon sa pondo ng mga ito.

Hindi natin alam kung bakit nagkakaganito na ang mga lider ng ating bansa… na walang pagtingin sa kinabukasan gaya ng paghahanda laban sa sakit na anomang araw ay narito at nananalasa na sa bansa.

IBALA SILA SA EBOLA

Para matauhan ang mga anak ng pitong putakteng mga lider at politiko, maganda sigurong bitbitin sila sa airport o pier.

Isakay sila sa mga eroplano at barko at ipadala sila sa Liberia, Sierra Leone at Guinea. Para sila ang lalaban sa ebola.

Kung hindi naman, sila ang hahakot sa lahat ng mga Pinoy na uuwi sa bansa.

May 180 na kongresman at may 21 senador, mga Bro, na hindi bumibitiw sa mga mala-Priority Development Assistance Fund at Disbursement Acceleration Program na mga pinopondohan nila kahit labag na ang mga ito sa Konstitusyon.

Kasali rin dito ang mga taga-Malakanyang.

Ito’y dahil gusto nilang kumita at magkamal ng salapi para sa pansarili nilang interes at hindi pa para sa kapakanan ng taumbayan.

Kung nasa mga bansang may ebola na sila at makauuwi silang buhay, diyan natin makikita kung hindi sila lahat magnanakaw.

MAGHANDA NA

Maghanda, maghanda at maghanda.

Ito ang dapat na gawin ng mga nasa pamahalaan.

Isa sa mga isipin nila ang pagbili ng panukat sa ebola na sa ilang oras lang ay malalaman na kung may ebola o wala ang isang tao na dumarating sa ating bansa.

Maglaan na sila ng mga pondo, magsanay ng mga medical professional, maglatag ng mga ospital na doon dadalhin ang mga magkakasakit at iba pang makatutulong sa tiyak na kaligtasan ng mga mamamayan sa sakit.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>