Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI SUGAL KUNDI PULITIKA ANG ISYU NG BINGO SA MANILA

$
0
0

burdado- jun brionesHINDI tayo kakampi ninoman o kalaban ng sinomang politiko sa lungsod ng Maynila.

Kaya nga pinakikinggan natin ang katwiran ng bawat panig at saka natin ito tinitimbang sa tinatawag na lohika.

Sa panghuhuli ng mga pulis kina Vice Mayor Isko Moreno at ilang konsehal dahil sa pagpapalaro ng Bingo, ating sisilipin, parekoy, kung ito ba ay dahil sa iligal na sugal o mainit na pulitika.

Kung ipagpipilitan ni Mayor Lim at ng kanyang mga pulis na iligal ang Bingo dahil labag ito sa PD 1602, napakalaking katanga-han nila! Dahil sa bagong batas ay hindi na isinama ang larong Bingo sa maituturing na iligal, maliban kung ito ay may taya!

Kaya nga, kung merong taya ang larong Bingo ay kinakailangan muna itong makakuha ng permiso mula sa Pagcor.

Kaya para malaman kung iligal o hindi ang pa-Bingo nina Isko Moreno, mahalagang mausisa kung ito ay may taya o wala. Dahil kung may taya ay iligal at kung wala naman ay ligal!

Ayon sa mga pulis, nakatatak pa umano sa likod ng Bingo cards ang mga pangalan nina re-electionist  Isko Moreno at ang ka-tandem nito sa pagka-meyor na si Erap Estrada.

Sa simpleng pag-iisip, parekoy, ang nasabing pa-Bingo ay bahagi ng “pautot” sa pulitika nina Estrada at Moreno! Isipin n’yo parekoy, dito ba sa atin ay may “pautot” sa pulitika na kukuha o tatanggap ng pera mula sa taumbayan?

Tangnang palusot na ‘yan ng mga pulis, eh, di lalong hindi sila ibinoto ng taumbayan kung ang pa-Bingo ng mga politiko ay may taya (bayad)! Sa lohika ng “pautot” sa pulitika, posible na may mga papremyo sa nasabing pa-Bingo!

Sa bagong batas, parekoy, ang nakasaad ay kailangang may per-miso ang Bingo kung ito ay may taya, hindi sinasabi na kung ito ay may premyo lalo na kung bigay ng mga donor!

Derpor, maliwanag na hindi iligal ang nasabing pa-Bingo kung babasehan ang mismong pahayag ng mga pulis!

At kung ang nakalagay sa likod ng cards ay pangalan ng gambling lord, maliwanag na ang dahilan ng panghuhuli ay agawan sa teritoryo o kaya ay hindi naka-payola ang pulis!

Pero dahil pangalan ng mga politiko ang nakalagay, alam ng kahit sinong bobo na ang tunay na dahilan nang naganap na panghuhuli ay pulitika!

At hindi gago ang taumbayan Mayor Lim para maniwala sa iyo na wala kang alam!

Bakit, ‘yang mga pulis mo ba ang kalaban nina Erap at Isko sa election sa Mayo?

Mukhang kabado ka na, meyor, ah? Hak, hak, hak!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>