Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘HER’ AT ‘SHE’ KAHIT LALAKI?

$
0
0

NALILITO na ang marami kung lalaki o babae si Jeffrey Laude, alyas Jennifer, ang homosexual na natagpuang patay sa isang mumurahing hotel sa R. Magsaysay Drive, Olongapo City kamakailan lang.

Ito Ang Totoo: hindi na kasi malinaw kung napalitan ang kasarian nito sa sari-saring dahilan, kasama na ang pagtukoy sa kanya na “her” at “she,” partikular ng mga English newspaper at maging sa telebisyon.

“Transgender” ang sabi ng report ng pulisya pero tinanong natin ang pulis na may hawak ng report kung ano ang transgender at ang sagot sa atin ay dibdib lang daw ang pinalaki at ang ari sa ibaba ay naroon pa rin kasi. Ganoon po ba talaga ang ibig-sabihin ng “transgender?”

Nagpapakita lang ito na maging ang mga imbestigador ay nalilito na sa tamang termino.

Sa ating pananaw, dapat pumipirmi tayo kung ano ang kinikilala ng batas o “ligal,” babae o lalaki, iyon lang ang dapat pagpilian. Wala ring masama kung tawaging “male homosexual” dahil hindi naman paglapastanganan ang naturang termino kundi pagtukoy lamang ng totoo.

May minorya raw na nasasaktan sa lipunan pero paano naman ang mayorya na nasasaktan hindi lamang sa maling impormasyon kundi sa kanilang paniniwalang ispirituwal at pagkilala sa “Family Code” at iba pang batas ng bansa?

Ito Ang Totoo: may mga taktikang pangharas ang ilang grupo para igiit ang kanilang gusto, kesehodang magkaroon ng kalituhan at masagasaan ang paniniwala ng sinoman.

Pero hindi dapat idinaraan sa kabastusan, paninirang puri at iba pang katulad na pamamaraan ang pagsulong ng minimithing respeto at pagtanggap ng lipunan.

Sa ganang atin, OO, ang lahat ng tao ay dapat iginagalang at tinatrato ng tama ng kahit sino, mapa-lalaki, babae, tomboy o bakla, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o mangmang.

Ang hindi natin maayunan, halimbawa, ay kagaya ng paggamit ng “she” at “her” sa isa namang lalaking tulad ni Jeffrey dahil ito ay tahasan at walang pakundangang panlilinlang sa publiko, bukod pa sa aspetong ligal na dapat tuntungan ng lahat sa lipunan. Pwede namang igalang ang kapwa nang hindi nakikipagsabwatan at walang pilitan. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>