NAGLAGAY ng mga drinkin fountain ang Boracay Water sa ilang matataong lugar upang mabigyan ng malinis at ligtas na inuming tubig ang mga residente at turista ng Boracay.
Ayon kay Ben Manosca, general manager ng Boracay Water, ang proyektong ito ay isa sa mga paraan kung paano ipinapakita ng kumpanya ang dedikasyon nitong makapaghatid ng malinis at maiinom na tubig. “Sa pagharap ng Isla sa mas malaking potensyal sa ekonomiya at turismo, nais naming protektahan ang mga turista at residente sa mga sakit at panganib na maaring makuha sa maruming tubig.”
Tatlong drinking fountain ang ikinabit sa D’ Mall, Cagban Jetty Port, at D’ Talipapa, bilang bahagi ng proyektong Lingap Drinking Fountain ng Boracay Water.
Ang proyektong ito ay binuo sa tulong ng Manila Water Foundation, Philippine Chamber of Commerce, Inc.- Boracay Chapter, Sunshine Inns, Inc., Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority, at ng Provincial Government ng Aklan.
Ang Boracay Island Water Company, Inc. ay isa sa mga sangay ng Manila Water, ang konsesyunaryo sa Silangang bahagi ng Metro Manila. Ito ay itinatag noong 2009 sa isang kasunduan kasama ang Tourism Infrastructure Authority and Enterprise Zone Authority na naglalayong pangasiwaan ang serbisyo sa tubig at nagamit na tubig ng Boracay.
WALANG MALINIS NA TUBIG MAIINOM SA NAIA 3
Kapag kayo’y humingi ng maiinom na tubig sa Pancake House sa loob ng NAIA 3, ang isasagot ng waiters, wala kaming service water, hindi purified at hindi “potable” ang tubig namin. Mapipilitan kang bumili ng bottle water na ubod ang mahal ang kanilang presyo.
Nais kong itanong sa Maynilad o Manila Water kung bakit walang malinis na tubig sa loob ng airport? Bakit hindi kayong makapaghatid ng malinis at maiinom na tubig sa NAIA 3? Bakit walang drinking fountains para sa pasahero habang sila’y nasa boarding area? ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG