Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY ‘EBOLA’ SINIPA SA OSPITAL, WALANG NAKIPAGLAMAY

$
0
0

MAGKAKAWINDANG-WINDANG ang ating pambansang buhay kung napasok na tayo ng sakit na ebola.

Tiyak na magaganap ito, mga Bro, batay na rin sa karanasan sa isang overseas Filipino worker na kagagaling lang sa Nigeria at pinaniwalaang namatay sa ebola.

Una, tinanggihan siyang tanggapin ng mga doktor at nurse sa dalawang ospital na pinagdalhan sa kanya dahil sa hinalang mayroon siyang ebola hanggang sa tanggapin siya sa ikatlong ospital at pabalikin sa ospital na unang tumangging tanggapin siya at sa kalaunan ay doon na rin siya namatay.

Ikalawa, kahit katakot-takot ang paliwanag ng mga doktor na namatay ang biktima dahil sa sakit sa atay at hindi sa ebola, walang kamag-anak at kapitbahay na nakiramay sa naulila niya.

O ‘di ba nakawiwindang ‘yan?

SI ALMAR TUNGPALAN

Si Almar Tungpalan, taga-Maddela, Quirino, ay isang seaman at oiler sa barko na galing sa East Nigeria at maysakit ito nang umuwi. Syempre pa, nagkaroon ito ng lagnat dahil may sakit nga siya pagdating sa bansa.

Dinala siya sa isang ospital sa kanilang lalawigan at tinanggap naman siya pero nagduda ang mga doktor at nars na may ebola siya kaya pinalipat siya sa isang ospital sa Santiago, Isabela na nagduda rin sa kanyang sakit kaya pinalipat din siya sa Quirino Provincial Hospital.

Dito na siya kinunan ng sampol sa dugo at iba pa para masuri pero may duda rin ang mga doktor at nars na may ebola ito kaya inilagay ito sa isang isolation room.

Makaraan ang anim na araw, hindi ebola kundi sakit sa atay ang dinaramdam nito kaya ipinadala na lang siya sa De Vera Hospital para sa kaukulang dialysis.

Pero kinabahan ang mga doktor at nars sa paniniwalang may ebola si Almar kaya hindi ito agad na inadmit ngunit dahil inatake siya ng sakit sa ambulansya, tinanggap na rin siya hanggang sa mamatay makaraan ang ilang araw.

WALANG NAKIPAGLAMAY

Nang inuwi na ang bangkay ni Almar sa kanila sa Barangay Villasur, Maddela, akalain ba ng kanilang pamilya na nagkaroon ng matinding takot ang kanilang mga kapitbahay at kabarangay! Natakot din maging ang kanilang mga kamag-anak.

Kaya wala nang nakipaglamay sa paniniwalang mas malakas ang pagkahawa sa ebola mula sa patay.

Hindi umubra ang paliwanag ng mga doktor na hindi ebola kundi sakit sa atay ang dumale kay Almar.

PAG TOTOO NA

Paano kung totoong ebola na ang maiuwing sakit ng isa nating kababayan? Ano sa palagay ninyo ang mangyayari? Eh, sa airport pa lang at sa daungan ngayon ay puro kaba na ang nadarama ng mga nagbabantay at sumusubaybay sa mga dumarating na OFW at dayuhan. Paano kung may ma-detect silang ebola?

Baka magkandaletse-letse ang operasyon ng ating mga paliparan at daungan sa pagtanggi ng mga taong magbantay laban sa ebola. Baka magkandahetot-hetot din ang mga taong ospital sa pagtanggi o pagtanggap nila sa mga may ebola. Hanggang sa maapektuhan na mismo ang mga ospital, transportasyon, negosyo, trabaho at iba pa sa pagkakaroon natin ng matinding panic.

Paano kung pauuwiin ang mga may palatandaan ng ebola sa ating mga barangay?

Hindi natin maimadyin ang mangyayari pero tiyak na mauulit ang nangyari kay Almar.

Anak ng tokwa, dapat gumawa na ng programa pamahalaan ukol sa ebola at halawin ang karanasan kay Almar. Kasabay nito ang mga pagsasanay natin laban sa ebola sa gabay ng ating mga doktor mula sa munisipyo hanggang sa mga barangay at sitio.

Dapat magkusa ang lahat na umalam at makialam laban sa ebola upang hindi natin danasin ang kamatayan ng nasa 5,000 katao sa mga bansang Nigeria, Liberia, Sierra Leone, Guinea, Amerika at Mali.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>