Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BOMBA RAW

$
0
0

KAMAKAILAN, nabulabog ang pamayanan sa sunod-sunod na mga bomb threats sa mga eskwelahan.

May isang linggo na halos tatlong sikat na eskwelahan ang ginulo ng bomb threat daw, kabilang na ang aking high school alma-mater, ang Claret School of Quezon City.

Sabi sa mga report, natatanggap daw ang bomb threat sa pamamagitan ng isang text message sa kawani ng paaralan.

Naging isyu pa ng debate kung dapat raw ba na agad suspendihin ang klase kapag may natanggap na bomb threat.

Sabi sa isang banda, dapat daw ma-verify muna bago agad na mag-declare ng class suspension.

Syempre kontra ang mga magulang, kailangan pa ba munang ma-verify bago ilayo sa kaligtasan ang mga bata?

Maging ang mga school administration, natural na priority nila ang kaligtasan ng mga estudyante. Ialis muna sa lugar ng disgrasya ang mga bata bago mag-imbestiga kung totoo nga o hindi ang mga banta ng sasabog na bomba. Para sigurado ang kaligtasan nila.

Sa awa ng Diyos, lahat ng bomb threats noong linggo na nabanggit ay puro hoax, o prank calls.

Nagsalita sa media si Congressman Roman Romulo ng Pasig.

Ang sabi niya, dapat ay mas bigyang-pansin ang problema ng mga banta ng bomba sa mga paaralan.

Hindi pa malaman kung anong mensahe ang ipinaaabot ng mga nanloloko at kung bakit naman mga paaralan pa ang tinatarget nila.

Pero sabi nga ni Cong. Romulo, dapat masilip ang security process ng mga paaralan para mas maging confident ang mga magulang na ligtas ang mga anak nila tuwing nasa eskwelahan ang mga ito.

Siguro magkaroon ng mga drills, tulad ng sa fire drills, kung wala pa man.

Mas tutukan din daw kung paano mahuhuli ang mga nanloloko, lalo na ‘yung nagte-text sa mga school ng banta ng bomba.

Dapat maging priority ito ng mga paaralan, sa tulong at pakikipag-ugnayan sa tamang ahensya ng gobyerno.

Ang mga bomb threat sa mga paaralan ay malaking isyu na dapat na agad matutukan.

o0o
Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Love Life Quotes Collection


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>