Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BABAWIIN NAMIN ANG PAG-AARI NG SULTANATE OF SULU

$
0
0

lily's-files-lily-reyesMABIGAT  at malaman ang mga binitiwang salita ni Princess Jacel Kiram, ang anak ng Sultan ng Sulu nang humarap ito sa PRO-MEDIA News Forum noong Martes sa Quezon City kaugnay sa  umano’y pagpapalayas sa kanila ng Malaysian Government sa lupain ng Sabah na pag-aari ng Pilipinas.

Bagamat napakasimple ng suot ay mababanaag mo sa  hitsura, pananalita at  pagsagot ang pagiging Prinsesa ng anak ni Sultan Jamalul Kiram lll, ang Sultan ng Sulu na si Princess Jacel Kiram.

Noong nakaraang Linggo  ay nagtungo sa Sabah ang tiyuhin ng Prinsesa na si Datu Raja Agbimuddin Kiram at ang may 200 katao na mula sa Sultanate of Sulu para protektahan ang Sabah  ng tangkain ng Malaysian Govern-ment  na paalisin ang mga Filipinong nakatira rito.

Nakalulungkot isipin na ang  gobyerno ni Pangulong Noynoy ay mistulang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa ginagawa ng  Malaysian government na panggigipit sa Sultanate of Sulu.

SA talakayan na ginangap sa  Quezon City Sports Club, E. Rod-riguez Ave. sa Quezon City,  naging panauhin si Princess Jacel Kiram, at matapang nitong sinabi na pumunta ang kanyang tiyuhin at  mga tao ng  Sultanate of Sulu sa Sabah para protektahan ang mga Filipinong nakatira roon na pinalalayas ng Malaysia.

Sinabi raw ng Malaysia na aarestuhin nila si Datu Raja Agbimuddin Kiram at mga kasama nito kapag hindi umalis.

Ayon sa Prinsesa, pumunta ang  kanyang tiyuhin at  mga tao ng Sultanate of Sulu sa Sabah para ayusin ang anomang problema na mayroon dito at kung sakaling  aarestuhin ng Malaysia ang mga ito ay lalaban sila hanggang sa  kahuli-hulihang hininga.

Hangga’t maaari ay ayaw ng pamilya Kiram na dumanak ang dugo sa pagbawi sa Sabah kaya nagpadala ng sulat ang Sultanate of Sulu sa Prime Minister ng Malaysia na bukas sila sa pakikipag talakayan anomang oras.

Ang laban ng Sultanate of Sulu ay hindi lang sa pamilya Kiram kundi laban din ng mga Filipino dahil ang Sabah ay pag-aari ng bansang Pilipinas.

Alam ng Malaysia na hindi  nila pag-aari ang Sabah o North Borneo dahil ayon kay Prinsesa Jacel, umuupa sa Sultanate of Sulu ang Malaysia ng 5,300 Ringgit o more or less P60,000 kada taon.

Bago matapos ang aming kuwentuhan ni Prinsesa Jacel ay  pakumbaba nitong sinabi na anomang tulong na maibibigay ng sinoman para mabawi ng Sulta-nate of Sulu ang Sabah ay taos-puso nila itong pasasalamatan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>