LAHAT na yata ng mga naging Vice-President ng republika ay naging Pangulo ng bansa, corrupt man o hindi. Si VP Jejomar Binay ay baka maging Presidente rin ng bansa maski naniniwala ang kanyang mga katunggali na siya ay hindi karapat-dapat na maging Pangulo ng Pinas.
‘Yan yata ang destiny ng mga Vice-President, ang maging President. (Huwag naman po sanang mangyari, dasal nina Senador Koko Pimentel, Allan Cayetano, atbp.)
Tunghayan natin ang nakaraan. Si VP Carlos P. Garcia na hindi naman yata kamag-anak ni Gen. Carlos Garcia ay naging Pangulo nang mamatay sa isang airplane crash si Pres. Ramon Magsaysay noong March 17, 1957.
Si Diosdado Macapagal ang nagwagi sa pagka-VP pero hindi siya hinirang na maging miyembro ng Cabinet. Ang kondisyon ni Garcia kay Macapagal ay mag-apply muna siyang member ng Nacionalista na tinanggihan naman niya.
Ang mainit na issue noon, na siya pa ring issue hanggang ngayon, ay ang graft and corruption. Bawat isa sa kanila ay may bintang ng katiwalian.
Tinalo naman ni Senate President Ferdinand Marcos si Macapagal sa issue pa rin ng graft and corruption. Ang nahalal na bagong Vice-President ay si Fernando Lopez na kapatid ni Eugenio Lopez ng Meralco at ABS-CBN. Na-appoint si Fernando na secretary of agriculture pero lalong tumindi ang hidwain ng dalawa. Nag-declare ng martial law si Marcos at pinakulong si Eugenio.
Nang maging Pangulo si Fidel Ramos, hinirang niyang Cabinet member si VP Erap Estrada na later on ay tumiwalag dahil sa suspetsa na gusto ni Ramos na magkaroon ng term extension na bawal.
Ganyan din ang nangyari nang hirangin ni Erap si VP Gloria Macapagal-Arroyo bilang Cabinet member, na nagcoup d’tat laban kay Estrada. Will history repeat itself sa kaso ni Binay? Marami ang nagdarasal! DEEP FRIED/RAUL VALINO