Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DALAWANG KWENTO

$
0
0

HALOS sabay na lumabas noong nakaraang lingo ang magkaibang kwento ng dalawang dalaga sa Amerika na may sakit na kanser at may taning na ang buhay.

Ang isa ay 29-years old at ang isa ay 16-years old.

Sa huling balita, namatay na ang 29-years old. Nagpakamatay na ito.

May mga lugar kasi sa Amerika na pinapayagan ang ligal na pagpapakamatay. Nakasisindak ito pero totoo.

Ang tawag dito ay medically-assisted suicide.

Ang mga taong may malubhang sakit, tulad ng kanser at nakararanas ng matinding pahirap dahil sa sakit ay maaaring mag-request ng assisted suicide.

Ang mas nakababahala ay ang Facebook announcement ng dalaga bago siya nagpakamatay.

Nagkwento ng kanyang hirap at ng plano niya na mag-suicide dahil umano sa sobrang nararanasang pasakit at parusa ng kanser at nagpaalam pa sa kanyang mga FB friend.

Kadalasan, ang ganitong suicide ay sa pamamagitan ng pag-inom ng nakamamatay na gamot.

Ang isa pang kwento ay tungkol sa 16-anyos na na-diagnose rin ng kanser sa murang edad at tinaningan na rin ng mga doktor ang buhay.

Pero ang dalagita ay maraming pangarap na hinahabol bago siya mamatay.

Sabi niya, isa na rito ay makapaglaro sa basketball team ng kanyang paaralan.

At sa tulong nga ng kanyang mga kaeskwela at teacher, minadali ang pag-draft ng mga bagong player para maisama na ang dalagita at siya nga’y nakapaglaro ng basketball sa harap ng libong myembro ng kanyang komunidad.

Ginawa pa nila na siya mismo ang unang nakapag-shoot ng bola.

Memorable ang naging laro, ang daming iyakan at cheering pero kitang-kita ang saya sa mukha ng dalagitang may kanser.

Sa kanyang mensahe, patuloy siyang lumalaban kahit pinarurusan ang kanyang katawan ng kanser at hinihikayat niya ang mga katulad niya na may sakit na labanan ang karamdaman, humingi ng tulong sa lahat ng kaibigan at nagmamahal at umasa at magtiwala sa kabutihan ng Diyos.

Dalawang magkaibang kwento ng buhay.

oOo
Mag-email o mag-text ng inyong reaksyon sa ariel.inton@ gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>