SA mga nakaraang taon, maraming beses nating ibinulgar sa Chokepoint ang paggamit ng mga rice smuggler sa mga kooperatiba ng mga magsasaka.
Ngunit walang kumilos na mga komisyoner noon.
Isa lang ang dahilan – ang matinding namamayaning korapsyon noon sa Bureau of Customs.
Mabuti’t kumilos ngayon si Comm. Ruffy Biazon.
Binawian ng accreditation ang 14 rice importers na gu-magamit ng cooperatives sa kanilang importation.
Tama at kapuri-puri ang aksyon ni Biazon.
Nakatitiyak tayo na bababa ang smuggling incidents kung ‘di man tuluyan itong masawata.
Ayon sa Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) ng BOC, ang ilan sa 14 kooperatiba ay nagpapanggap lamang na mga kooperatiba.
Para sa kaalaman ng madla, ang tinanggalan ng accreditation ay ang Conquistar Marketing, Dream the Dream Marketing at Happy Morning Enterprises.
Kasama ang Kakampi Multi-Purpose Cooperative, Kapatiran Takusa Multi-Purpose Cooperative at Malipampang Concerned Citizens.
Multi-Purpose Cooperative, Pinambaran Farmers Producers Cooperative, Samahang Magsasakang Kapampangan at Katagalugan Multi-Purpose Cooperative, Thunder Glutch Marketing, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro, Inc., Vita Rose Marketing, Dragon Clash Enterprises, Masagana Import Export at King Casey Trading.
Tip natin kay Comm. Biazon, silipin pa niya ang ibang samahan na hindi mga kooperatiba, ngunit ginagamit din sa rice smuggling.
Sa nakaraang Senate hearing sa tangkang 500,000 rice smug-gling attempt sa Subic Freeport Zone, ang ginamit sa rice impor-tation ay farmer cooperatives.
Ang paggamit sa mga samahan na ito ay para makapag-import ng bigas na ‘ligal’ ang dating pero sa likod nito’y may kababalaghan o kalokohan.
Dapat din sigurong imbestigahan ang National Food Authority sa kaduda-dudang pag-iisyu ng imported rice allocation quota, isang requirement o rekisitos sa rice importation.
Kung noon ay nakita na ng mga nakaraang BOC boss ang modus na ito, gamit ang farmers cooperatives, baka wala nang rice smuggling sa bansa.
Mabuhay ka, Comm. Ruffy Biazon…ipagpatuloy mo ang paglilinis sa BOC.