Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QCPD NAMAKYAW SA PANGHUHULI NG MGA KRIMINAL

$
0
0

MUKHANG wawalisin na talaga nitong si Quezon City Police District (QCPD) Director  SSupt. Joel D. Pagdilao, ang mga kriminal sa Quezon City kahit sino ang masagasaan.

Kahapon ay iniharap sa media ang mga suspek sa iba’t ibang krimen, kabilang ang notorious na snatcher sa Maynila, ang miyembro ng “Gaga” Robbery Kidnap and Carnap Gang at ang mga sangkot sa umanoy pag-hijack sa isang  aluminum na Isuzu truck na naglalaman ng mga laruan ng bata.

Sinasabing itong si Dionisio Bote, 32, ay maraming kaso sa Maynila area of operation nito.

Aminado itong si Bote na marami na siyang kaso sa Maynila at paulit-ulit itong nagpasalamat sa mga pulis ng Galas Police Statiom 11 na sila ang nakahuli sa kanya dahil kung pulis-Maynila raw ang nakahuli sa kanya, siguradong papatayin na siya sa rami ng kanyang kaso sa MPD. 14 naman ang nalambat ng QCPD Cubao Police Station 7 na sangkot sa pag-hijack sa isang truck na naglalaman ng mga laruan na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa isang milyong piso.

Sa bisa ng isang warrant of arrest na ipinalabas ng Dagupan  City Regional Trial Court (RTC) Branch 40 ay inaresto naman ng Criminal Investigation and Detection Unit o CIDU ang isang Jomel Tamalla, alyas Jomel, 40, dahil sa kasong Robbery with Homicide.

Ibang klase na ngayon ang bagong pamunuan ng QCPD.

Ke malaki o maliit ang kaso ay kanila itong huhulihin at tinutuluyan sa korte kahit sino pa ang masagasaan.

Wala kang makikita ngayong tatamad-tamad na pulis-QC, lalo na ang mga opisyal, dahil talaga namang napakasipag na mag-ikot at mag-inspection ng kanilang District  Director na si Col. Joel  Pagdilao.

Hindi naman natin sinasabing perpektong DD itong si Col. Pagdilao, pero para sa isang baguhang hepe, aba eh, napakagaling niya bilang isang lider ng mahigit sa 4,000 mga tauhan.

Nangangamba ang  mga opisyal ng QCPD ngayon dahil sa laki ng ibinabang kaso rito sa Quezon City dahil baka ngayong papalapit na ang Kapaskuhan ay biglang tumaas ang crime rate ng lungsod.

Subalit siniguro naman nitong si Col. Pagdilao na nakahanda ang lahat ng pulis ng QCPD sa mga kriminal na gustong umatake o mag-operate sa lunsod Quezon sa mga darating na araw. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Lagarto para colorear


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>