NAKABIBILIB itong catholic school sa Caloocan City, ang Saint Gabriel Academy na siyang paaralan ng aking my only one child Levienne.
Eh, bakit kamo, kasi hindi lang ito ngayon palaban sa mga academic competition kundi maging sa sports actions. Talagang na-expose na ng mga namamahala rito sa pangunguna nina Msgr. Alex Amandy bilang director at Sr. Nora Giron, SPC, bilang prinsipal, ang mga mag-aaral dito.
Talagang hahangaan mo ang determinasyon ng mga ito na itayo at ipagmalaki ang bandera ng SGA sa ginanap kamakailan na Kalookan Diocesan Schools Association (KADSA) Sports Coopetition kasi kahit iilan lamang sila kumpara sa mas marami at malalakas na manlalaro sa ibang schools, talagang nagpakita ang mga ito ng galing at gilas, tunay na mga Gabrielans!
Lalong-lalo na sa chess, scrabbles at pati sa swimming, nangibabaw ang Gabrielans at eto pa ang dagdag bonus, nagwagi bilang 2nd placer ang mga pambato nito sa cheerdance. Kung iyong matutunghayan ang kanilang performance, kung saan pinalad ang inyong lingkod na makita ito, talagang superb at s’yempre super proud ako dahil school ito ng aking anak na varsity badminton player din.
Kahit medyo hindi pinalad ay ok pa rin dahil nag-enjoy siya at mga kasamahan niya at tunay na naging magandang karanasan ito para sa kanila.
Kudos din kina Mr. Freddie Gonzales, activity moderator; Ms. Imelda delos Reyes, academic coordinator at sina Ms. Anita de Lara (Grade School) at Ms. Viña Centeno, sports moderators at ang SGA faculty members dahil hindi naman magiging inspirado ang mga young Gabrielan kung walang todong suporta mula sa kanila.
Kaya naman ako mismo ang maghihikayat sa mga magulang sa Caloocan at iba pang karatig-lungsod na ideal na paaralan ang SGA para sa kanilang mga anak dahil dito t’yak magiging maganda ang kanilang hinaharap. Dito na tayo!
PABAHAY SA NAKATIRA SA NAVOTAS CITY CEMETERY
Tuloy-tuloy ang paglilipat ng mga pamilyang Navoteño na nakatira sa mga natukoy na danger area sa lungsod sa housing sites ng lokal at nasyonal na pamahalaan kabilang na ang nagtayo ng mga bahay sa likod ng Navotas Cemetery, Bagong Silang, San Jose. Nauna nang mailipat ang 48 pamilya mula rito bago mag-Undas ngayong taon at sinundan pa ng 29 pamilya noong Nobyembre 13.
Ngunit dahil sa pagsusulong ni Mayor John Rey Tiangco na mailagay rin sa maayos na bahay at komunidad ang mga nakatira sa waterways sa lungsod at suporta ng iba’t ibang indibidwal, pribadong sektor at national government, naging posible ang pagpapatayo ng higit pa sa inaasahang bilang ng pabahay para sa mga Navoteño.
Sa kasalukuyan, may mahigit kumulang 1,500 housing unit na ang ang naitatayo sa mga housing site na ito sa tulong ng ‘pork barrel’ funds ni Rep. Toby Tiangco, Habitat for Humanity Philippines at National Housing Authority at madaragdagan pa ng 120 housing units sa tulong pa rin ng NHA.
Iba talaga itong Tiangco brothers kapag ang pinag-uusapan ay ang interes ng mga Navoteño! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO