Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PILIPINAS ANG SABAH, MR. PRESIDENT

$
0
0

baletodoMALI ang bulong ng mga adviser ni Pangulong BS Aquino III tungkol sa usapin ng pagbawi ng Sabah o North Borneo. Itinuring na sabotahe ni Pangulong Aquino ang ginawa ni Sultan Jamalul Kiram III at ng kanyang kapatid at ng ilan sa kanyang Sultanate Royal Security na nagpunta sa Sabah para simulan ang proseso ng pagbawi sa mayamang isla ng Pilipinas. Ang isla ng Sabah ay Pilipinas, Mr. President.

Panauhin ng PROMEDIA NEWS FORUM noong Pebrero 19 si Her Highness Princess Jacel Kiram, anak ni Sultan Jamalul. Napakasimpleng prinsesa. Sa pananamit at anyo, kapag nasalubong mo sa lansangan ay hindi mo sasabihin na isa siyang dugong bughaw na FILIPINO. Walang bodyguard, walang driver at walang kiyeme sa pakikipag-usap kaninoman.

Sa PROMEDIA News Forum, malinaw ang sinabi niya na ang tanging layunin ng pagbawi nila ay para mapakinabangan na ng mga FILIPINO at PILIPINAS ang Sabah.

Ipinakita niya ang isang dokumento at resibo ng bayad-upa ng Malaysia sa Sultanate of Sulu na MR (Malaysian Ringgit) 5,300 lamang kada (P53,000) taon! Sinabi niya na walang anomang kulay ng pulitika ang kanilang pasya at lalong walang balak na magsulong ng gulo sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas.

Simple lang, Mr. President. Sa Sultanate of Sulu nakapangalan ang pagmamay-ari ng Sabah at ito ay nasa listahan ng kasaysayan sa mundo. Ginago tayo ng noo’y kolonyal na Britanya na sumakop sa Malaysia.

Nang matapos ang pananakop, sa halip na ibalik sa Sultanate ang isla ay ibinigay sa Malaysia! Sila ang nagpatuloy ng pag-upa sa mayamang isla ng North Borneo na tinawag nilang Sabah.

Kahit sa atin, kapag gagamitin na ng nagpapaupa ang pinaupahang lote o bahay, aalis ang umuupa na walang reklamo basta klaro ang kwenta ng magkabilang panig. Anong sabotahe ang bulong sa inyo?

Hindi dapat tanawin na utang na loob ang ginawang pagtulong ng Malaysia sa inyong peace talk sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang ginawa nila ay may nakataling intensyon at isa riyan ang patuloy na paggamit nila sa SABAH. At iyan ngayon ang titik ng inyong kanta, sabotahe?

Huwag Mr. President. Huwag mong pakinggan ang mga bulong sa inyong tainga. Mali. Walang sabotahe. Atin ang Sabah. Sa bawat Filipino.

Iyan mismo ang inaawit ngayon ni Sultan Kiram III at nang kanyang pamilya. Sa halip, makinig ka sa awit ng mama-mayan – ang Sabah ay Pilipinas, Mr. President..


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>