ANG Social Security System (SSS) ay nag-aanyaya sa lahat ng mga nagpapatrabaho (employers) gayundin, sa mga kasambahay (domestic workers), upang samantalahin ang mga espesyal na iskedyul para sa pagpaparehistro sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG.
Nagsimula ang pagpaparehistro noong Nobyembre 29 at magtatapos sa Disyembre 14, 2014 sa mga piling SM malls. Ang lingguhang iskedyul (weekend schedule) ay makakatulong sa pangasiwaan ang pagpaparehistro sa mga tagapag-empleyo (household employers) at ang kanilang mga kasambahay sa pagsunod sa Republic Act No. 10361 o mas kilala rin bilang “Kasambahay Law.”
Ang SSS ay nangunguna sa implementasyon ng “Kasambahay Law”, na nag-uutos para sa social security protection sa mga kasambahay. Sa pagiging myembro ng SSS, sila ay magkakaroon ng karapatan sa mga benepisyo na may kaugnayan sa pagkakasakit, panganganak, kapansanan, retirement, death, at iba’t ibang mga pribilehiyo para makakuka ng SSS loan.
***
Nais kong batiin ng “Maligayang Bati sa Iyong Kaarawan! Wala man akong regalo, nais kong malaman ninyo, na espesyal kayo sa buhay ko.
Jennifer P. Ariola & Ageria R. Lagang (Dec 1), Higino C. Mangosing, Jr. (Dec 5), Belen I. Juarez (Dec 9), Marianne R. Neypes (Dec 10), Jesusa T. Delos Santos & Renato P. Gojo-Cruz (Dec 19), Emmie L. Ruales (Dec 20), Lililan P. Gacusan (Dec28) at Susan A. Abaño (Dec 29). ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG