PAHAPYAW nating silipin, ang kaharian ni onorabol Caloocan Mayor Oca Malapitan na kung saan na laging ipinagmamalaki ng mamang alkaldeng ito na bawal ang anomang mga pasugalan sa lungsod niya lalo na ang mga video-karera.
Bibilib na sana ako sa ipinagmamayabang ni Mayor Malapitan na hindi niya papopormahin ang anomang iligal na pasugalan sa Caloocan.
Pero kuwidaw, nagkalat at namamayagpag sa Bukid Area at Caloocan Proper ang sangkatutak na mga VK ni alyas Nognog.
Ang balita ko pa,wala raw bukambibig si Nognog kundi ang pangalan ng utol ni mayor na si retired police Major Malapitan.
Kung hindi totoo ang balitang ito, bakit hindi kumikilos si Mayor Malapitan para ipatigil ang talamak na operasyon ng mga VK ni alyas Nognog sa nasabing lungsod.
Magkano kaya?
BOOKIES NG STL SA BATANGAS LANTARAN
Sa lalawigan ng Batangas, patuloy na namamayagpag ang operasyon ng bookies ng STL ni Nolie Perez sa Rosario.
Hindi hinuhuli ang bookies ni Noli Perez sa kabila ng lantaran ang operasyon nito dahil sa nakatimbre ito mula sa regional director, provincial at police chief ng Rosario, Batangas.
Hindi rin pahuhuli ang bookies ng STL ni Eddie Lara mula sa Balete at Mataas na Kahoy sa lalawigan ding ito.
Umaabot sa P2.5-million ang kabuang kinikita ng bookies ni Eddie Lara sa araw-araw na operasyon nito sa dalawang bayan.
Hindi rin kumikilos ang kapulisan at ang lokal na pamahalaan ng Batangas dahil sa weekly tongpats na ibinibigay ni Lara.
SUGAL ANG FRONT HINDI HINUHULI
Sa Wawa, Montalban ay malakasan naman ang peryahan na front ng pasugalan nitong si Rosa.
Hindi natatakot si Rosa sa kabila ng lantaran ang pasugalan sa peryahan nito dahil malakas sila sa hepe ng Montalban.
Totoo kaya ito?
Sa Los Baños,Laguna naman, ang peryahan ang front ng sugalan ni Lerio Tomboy. Malaki ang lagay kasi nito sa pulisya ng Canlubang kaya hindi hinuhuli!
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
