Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ERAP ALIS, LIM SWAK… ISKO PALABOY?

$
0
0

KAGULO na sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila dahil sa inaasahang desisyon ng Korte Suprema patungkol sa kapalaran sa politika ni Mayor Erap Estrada.

Syempre, ang sabi ng kampo ni Erap… kwalipikado siyang tumakbo sa anumang puwesto sa gobyerno tuwing sasapit ang halalan sa bansa matapos itong mabigyan ng kapatawaran ng gobyerno ni Aling Gloria.

Kinuwestyon naman ito ng kanyang kalaban sa Maynila bago pa man maging Mayor si Erap dahil sa pagkakatalo ni dating Mayor Fred Lim na magkaibigan naman pero nag-away dahil daw sa kontrata sa basura.

Ngayong nalalapit na ang hatol ng Korte Suprema, tiyak na handa na ang mga alipores ni Lim na muling kubkubin ang City Hall ng Maynila habang naghahanda naman ng barikada ang kampo ni Erap.

Malakas kasi ang ugong-ugong na diskwalipikado ang hatol ng korte laban kay Erap kaya tiyak na kinakabatutan na ang mga alagad ng orihinal na Asiong Salonga ng pelikulang Pinoy.

Kapag nangyari ang diskwalipikasyon kay Erap ay hindi si Iskong Epal ang papalit sa kanyang trono. Ayon sa kaibigan kong abogado, si Lim ang makikinabang dito dahil siya ang nakalaban ni Erap noong 2013 Elections.

Itong si Iskong Epal, kahit na manatili pa hanggang wakas sa kanyang termino si Erap ay malabo pa rin na maging Mayor siya dahil tiyak na sa pamilya Estrada pa rin ipapasa ang trono gaya ng nangyari sa San Juan City.

Sakali man na muling maupo itong si Lim ay wala rin mapapala itong si Iskong Epal na sumuwag sa kanya noong nakalipas na halalan. Bagkus, tiyak na buwelta de gulat ang aabutin nito mula sa Dirty Harry ng Maynila.

May mga bumaliktad na rin na mga opisyal ng Maynila na dati ay nagpapakamatay kay Lim pero ngayon ay sumukob na sa payong ni Erap tulad ng isang ‘Barangay Kupitan’ na itago natin sa alyas na ‘Ligaya SantoSantita’.

Kiliting-kiliti na ang mga heneral ni Lim. Napakasarap nga naman bumalik sa trono ng kapangyarihan ng Maynila. Mayor Erap, itodo mo nang lahat pati pato’t panabla!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>