Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGINGIKIL NG MGA PULIS-CALOOCAN SA PULIS, PURNADA

$
0
0

SAAN kaya pupulutin ang walong kagawad ng Caloocan City Police na nagtangkang mangikil sa kapatid ng isang opisyal ng Manila Police District o MPD na kanilang  hinuli at ikinulong ng tatlong araw?

Sa mga dokumentong nakarating sa Lily’s Files, masasabi nating yabang at pagkagahaman sa pera ang ugat para arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City Police sina Ramon Pedrozo at ang common law wife nitong si Rosalia Raz, dahil sa isang Warrant of Arrest sa kasong Grave Coercion.

Sinasabing noong nakalipas na Oktubre 23 ay hindi nakarating sa hearing para sa promulgation of judgement ng kanilang kaso itong sina Pedrozo at Raz dahil dinala ni Raz si Pedrozo sa ospital kaya nagpalabas ng Warrant of Arrest si Hon. Dorothy Grace Daguna-Inciong, ang preciding judge ng MTC-B 52 ng Caloocan City.

Oktubre 28 ay agad namang nag-file ng urgent motion for leave of court to avail of the remedy of probation ang abogado ng dalawa at para na rin matanggal ang ipinalabas na warrant of arrest sa dalawa.

Pinagbigyan naman ng korte ang kahilingan nina Pedrozo at Raz na mag-file ng urgent motion kasabay ng pagpawalang bisa sa ipinalabas na warrant of arrest sa dalawa noong Nobyebre 3.

Nobyembre 14 ay nakatanggap ng text messege si Pedrozo mula sa nagngangalang Mark na nagpakilalang taga-LBC at sinasabing mayroon silang package ni Raz kaya kailangan nilang makipagkita kay alyas Mark sa isang convenience store sa Maypajo, Caloocan City bandang alas-5:30 ng hapon para ma pick-up ang nasabing package.

Pagdating sa nasabing lugar ay agad na inaresto ng mga pulis sina Pedrozo at Raz at isinakay sa mobil car patungo sa nasabing himpilan ng pulisya at agad na ipinasok sa selda ang dalawa na hindi man lang inalam ang tungkol sa nasabing warrant.

Habang nasa selda itong sina Pedrozo at Raz ay nilapitan daw sila nitong pulis na si SPO4 Michelle Alcantara, at hinihingian sila ng halagang P100 libong piso kapalit ng kanilang kalayaan pero hindi nagbigay ng pera sina Pedrozo at Raz kaya hindi sila nakalabas ng kulungan.

Agad namang nagtungo si P/SS Marcelino Pedrozo, ng Manila Police District (MPD) sa Caloocan City Police Station dala ang kopya ng pagpapawalang bisa sa nasabing warrant na ipinalabas noong Nov. 3 ngunit hindi nila pinansin ang opisyal at binalewala nila ito kaya nanatiling nakakulong ang dalawa.

Nakalabas lang ang dalawa sa kulungan pagka-Lunes na Nobyembre 17 matapos makapagbigay ng certified true copy ng warrant galing sa Branch 52 na pinawalang bisa noong Nobyembre 3 pa.

Nang makalabas sina Pedrozo at Raz, sinampahan nila ng kasong Arbitrary Detencion at Grave Misconduct sa tanggapan ng Ombudsman ang mga pulis na sina PSInsp. Enrique Torres, SPOI Eduardo Moscare, PO3 Romegio Beso, PO2 Abelardo Agulto, PO2 Arwin de Guzman, PO1 Jaymar Faustino, PO1 Marco Despojo at SPO4 Michile Alcanta ang umano’y nanghingi ng halagang P100,000.

Sinasabing andami raw talagang nagrereklamo sa mga pulis na nabanggit na pawang mga taga-warrant section dahil ang ginagawa raw ng mga ito ay nanghuhuli sa araw ng Biyernes para walang makapagpiyansa kaya napipilitang makipag-areglo na lang ang pamilya ng hinuli.

Ang tindi ng mga pulis na ito. Ngayon nakahanap kayo ng katapat ninyo. Sa halagang P100 libo kapalit ng inyong pagiging pulis… kapag napatunayan ang ginawa ninyong kapalpakan, tingnan lang natin kung saan kayo pulutin. Mga mukhang pera. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.