BIGYAN natin ng daan, mga pare ko, na maisingit man lamang sa espasyong ito ang isang text message ng grupo ng mga naliligalig na senior citizen ng Taguig City na may kinalaman sa super tiangge na nasa Kalayaan St., Usu-san,Taguig City.
Basahin natin ang nilalaman ng text message nito.
Gud day po, Sir. Help may shabu, super tiangge rito sa 11 Kalayaan St., Ususan, Taguig City.
Ang mga bigtime pusher ay isang alyas Rannie, alyas Jun P. at isang Ogie Bakla naman ang pusher sa 15B Kalayaan St., Taguig.
Gabi at araw ang bilihan ng bato (shabu) rito. Halos hindi na nag-aaral ang mga kabataan dahil sa nagugumon na ang mga ito sa pagsinghot ng shabu araw-araw o oras-oras.
Halos mga drug addict na ang mga kabataan dito.
Wala man lang nagpapatrulyang mga pulis dito sa lugmok na bayan namin.
Tulungan ninyo naman kami na mai-report ito sa PDEA, maging kay Taguig Mayor Lani Cayetano at sa chief of police nito tungkol sa lantaran na bentahan ng shabu sa Kalayaan 11 at 15, Taguig.
God bless.
BOOKIES ‘DI NATITINAG SA BATANGAS
Hindi pa rin daw tumitigil ang operasyon ng bookies ng STL ni Eddie Lara sa Balete at Mataas na Kahoy sa lalawigan ng Batangas.
Matagal nang panahon na hindi man lamang natitinag ang bookies ni Eddie Lara sa Batangas dahil wala itong bukambibig kundi bagyo siya kina Balete Mayor Leovino Hidalgo at Mataas na Kahoy Mayor Jay Ilagan.
Ipinamamalita rin ni Eddie Lara na malaki ang ibinibigay niyang lingguhang padulas sa nasabing dalawang mayor ng Batangas.
Hindi pa kasama ang tongpats nito kay PD Supt. Jireh Omega Fidel at sa mga chief of police ng Balete at Mataas na Kahoy.
Kaya namamayagpag ang bookies nito.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JOHNNY MAGALONA
