Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGPAPALAKAS SA NDRRMC

$
0
0

SA takbo ng kasalukuyang panahon na madalas tamaan ng kalamidad ang ating bansa bunga ng lupit ng kalikasan, kapabayaan ng tao at iba pang trahedya ay mahalagang mapalakas ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pagbibitiw sa puwesto ni Secretary Panfilo “Ping” Lacson bilang pinuno ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) sa Pebrero 10, 2015 ay ililipat sa NDRRMC ang tungkulin sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng super-typhoon Yolanda.

May mga mungkahi si Lacson sa pagrereporma ng NDRRMC dahil ito raw ang tamang ahensya na dapat mangasiwa sa mga kalamidad.

Kabilang dito ang agarang paglalabas ng pondong P80-bilyon sa 2015 mula sa Department of Budget and Management (DBM) tungo sa NDRRMC, na hindi na kailangan pang isangguni sa OPARR na dating kalakaran, para bumilis ang proseso.

Sang-ayon tayo sa punto ni Lacson dahil noon pang 2013 ay iminungkahi na rin natin ang paglikha ng panibagong departamento na tututok sa mga biktima ng kalamidad.

Kung hindi man bubuo ang pamahalaan ng panibagong departamento ay mainam na palakasin nila ang NDRRMC.

Sa loob ng isang taon ay kung ilang ulit tayo nakararanas ng hagupit ng malakas na bagyo, malawakang pagbaha, sunod-sunod na sunog o kaya ay pagyanig ng lindol.

Ang madalas nating marinig na reklamo mula sa mga sinalanta ng bagyo o biktima ng trahedya ay ang halos pagong sa bagal na pagkilos ng gobyerno sa pagpaparating sa kanila ng tulong.

Handa man ang NDRRMC sa pagtugon sa isang trahedya ay lumalabas na marami pa rin itong pagkukulang sa pagpapatupad ng pangmatagalang plano ukol sa rehabilitasyon ng mga sinalanta.

Ang NDRRMC, na nasa ilalim ng DND, ay kinabibilangan ng mga pinuno ng mga kagawaran ng gobyerno na tulad ng DILG, DSWD, DPWH at iba pa.

Pero ang mga kagawarang ito ay may kani-kanyang tungkulin din na hindi nila pwedeng pabayaan. Hindi natin maaasahang pwede silang tumutok sa lahat ng problema na kinahaharap sa oras ng kalamidad at pangangailangan ng mga sinalanta sa kanilang pagbangon muli mula sa trahedya.

Kung irereporma ang NDRRMC, bukod sa mga kagawarang sangkot ay dapat magtalaga rin ng sapat na bilang ng mga tao rito na may kakayahan para tumugon sa problema mula sa mga arkitekto, inhinyero, teknisyan at iba pang mga propesyunal na pwedeng makipagtulungan sa mga pulis, bumbero, coast guard hanggang sa barangay tanod hindi lang sa panahon ng emergency kung hindi pati na sa rehabilitasyon ng mga sinalanta.

Sa mga panahon na hindi tayo tinatamaan ng kalamidad ay pwede nilang gugulin ang kanilang oras sa pagsasanay upang hindi sila mataranta sa pagsapit ng emergency at alam na nila ang mga tamang hakbang na dapat nilang gawin.

Huwag nating kaliligtaan na ang pagsagip sa buhay ng mga mamamayan at sa kanilang mga ari-arian ay prayoridad at tungkulin ng gobyerno.

Dapat maging handa ang pamahalaan sa lahat ng oras sa pagtugon sa problemang ito.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>