Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT WALANG TAKOT?

$
0
0

ANG daming nag-react at nagsabi na hindi nag-iisip ang mga batang nag-post sa Facebook ng kanilang katuwaan habang naglalaro ng mga baril at mga bala.

Marahil ay alam na nang marami sa atin na ang FB post ang naging dahilan ng pagkahuli ng ilan sa kanila at pagkakakilanlan sa iba pa.

Walang takot, walang pangingimi, ipinakita nila ang mga iligal na gawain na mamaril nang walang habas dahil nagdiriwang sila ng Bagong Taon.

Ito’y matapos ang maigting na kampanya ng pulisya na bawal ang tinatawag na indiscriminate firing o paggamit ng baril bilang pagpapaputok sa pagdiriwang ng New Year.

Naka-container pa ang mga bala na pinaglalaruan ng mga binatilyo, walang kiyeme na nagpapaputok sa kung saang direksyon lang at enjoy na enjoy sa kanilang ginagawa.

At dahil nag-post nga sila sa FB, nahuli ang ilan at tinutugis ang iba pa dahil sa pagrereklamo ng mga netizen.

Ang sabi ng isang commentator sa radyo, ang lalakas ng loob na parang hindi mga tao kung mag-isip.

Pero dahil nga hindi sila nag-iisip, kaya sila nahuli.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nahuli ang mga kriminal dahil sa pagyayabang nila sa FB.

May isang holdaper na nahuli dahil ginamit ang mismong ninakaw na cellphone sa pag-post ng picture.

Hindi ba nga ‘yung mga nang-hijack sa EDSA ay nahuli rin dahil sa twitter post na nagpakita sa akto ng mismong krimen?

Pero ang tanong ngayon ay kung bakit wala nang takot ang mga kriminal.

Huwag sabihin na hindi alam ng mga binatilyo na labag sa batas ang mamaril nang walang habas.

Isipin na lang ang madadamay kung may matamaan ng ligaw na bala.

Hindi ba nga na noong mga nakaraang taon ay may mga natamaan ng ligaw na bala, may mga bata na namatay pa?

Sana ay malipol ang ganitong mga pasaway.

Pero ang tanong pa rin ay kung bakit walang takot ang mga kriminal na tulad ng mga ito sa paglalahad ng kanilang krimen.

***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>