Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

AROGANTENG DIOCESE NG MGA ROMANO KATOLIKO

$
0
0

square-nelson-floresANG kaarogantehan ng mga nagpapalakad ng Romano Katolikong Diocese ng Bacolod ay halos sumagad sa buto dahil dinidiktahan na nila ngayon ang mga kaparokyano kung sino ang dapat iboto at hindi dapat mahalal sa darating na eleksyon.

Hindi pa nasiyahan sa pandidikta, ginamitan pa ng black propaganda ang mga kandidatong senador na hindi nila pinapaboran. Ang mga ito kasi ay sumuporta sa kontrobersyal na Reproductive Health Law noong ito ay pinagtatalunan pa lamang sa kongreso.

Inilagay sa kulay pulang lona sa harap ng katedral ang mga pangalang pinaburan ng diocese at nilagyan nito ng puting check bilang tanda ng suporta kasabay ng pagbabansag dito bilang “Team Buhay.” Samantala, sa ibabang bahagi ng lona na kinulayang itim inilagay naman ang mga pangalang nilalaglag ng diocese at tinatakan pa ito ng naglalagablab na ekis na mukhang galing sa impiyerno bilang tanda ng pagbabasura.

Tinawag din itong “Team Patay.” Pinalalabas ng mga taga-diocese na labanan ng langit at impiyerno/buhay at kamatayan ang halalang darating. (Hahaha)

Ayon sa ipinaskil ng diocese na mga lona, ang Team Patay ay binubuo nina Juan Edgardo Angara, Teddy Casiño, Alan Peter Cayetano, Jackie Enrile, Francis Escudero, Riza Hontiveros, Loren Legarda. Kabilang din dito ang mga partylist na Gabriela, Akbayan, Bayan Muna at Anakpawis.

Imbes na gumitna at turuan ang mga mamboboto ng kanilang mga karapatan kaugnay ng ehersisyo ng halalan tulad ng nakagawian na o dili kaya ay kumilos upang matiyak na walang magaganap na dayaan sa kanilang diocese ay umaakto ngayon ang pamunuan ng diocese na parang karaniwang pul-politiko. Malinaw na ipinalalagay ng mga taga-diocese, kabilang na rito si Obispo Vicente Navarra, na mangmang ang kanilang mga parokyano kaya kailangang gamitan ng ganitong kababaw na skema.

Ang ganitong kaarogantehan at isip-inquisition ang nagtutulak sa mga mulat na mananampalataya na lumayo sa simbahan. Sinasayang ng mga ito ang moral na awtoridad upang makapanindigan sa mga makabuluhang isyu ng panahon sa hinaharap.

Nakasusuka ang ikinikilos ng mga nasa diocese na ito ngayon.

* * *

Ang RH Law ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kababaihan na planuhin ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng makabago’t siyentipiko o makaluma’t tradisyonal subalit subok na paraan, kabilang na ‘yung tinatawag na natural method na pinapaboran ng Simbahang Romano Katolika.

Hindi pinipilit ng batas na ito na magplano ang mga mananampalataya kaya hindi totoo ang sinasabi ng mga kleriko na tumututol na nilalabag nito ang karapatan ng taumbayan. ‘Yung ayaw magplano ay malayang huwag magplano pero ‘yung ibig magplano ay maaring pumunta sa mga klinika at ospital ng bayan para sa karampatang tulong.

Tapos na ang panahon ng paghahari ng kadilimang hatid ng mga haka-haka. Ngayon ay

panahon na ng liwanag o enlightenment na hatid ng agham at hindi ng mga paurong na

paniniwala.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring, pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>