Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MASAKER O PAGPATAY SA MEDIAMEN PATULOY

$
0
0

HINDI namamahinga ang mga mamamatay-tao. Kasama sa mga binibiktima ng mga ito ang mga mamamahayag. At kabilang sa mga mamamahayag na biktima ang isang correspondent ng Abante at Abante Tonite at 10 minasaker sa Paris City, France.

Ipinaaabot natin ang ating taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya ng mga pinatay.

NERLITA LEDESMA

Anak ng tipaklong, kasisimula pa lang ng bagong taon at hindi pa natin nasimulang namnamin ang kahulugan nito pero heto’t may nalagas na uli sa ating hanay.

Si Nerlita ‘Nerlie’ Ledesma na correspondent ng Abante. Riding-in-tandem, mga Bro, ang tumapos sa buhay ni Nerlie sa kanyang sariling lungsod sa Balanga, Bataan. Ika-172 nang mamamahayag si Nerlie na pinapaslang simula nang naging malaya ang pamamahayag noong 1986.

ANOMAN ANG DAHILAN

Maraming anggulo ang tinitingnan ng pulisya ukol sa pagpaslang kay Nerlie. Pero para sa atin, ang pinakapunto ay ang pagpatay sa kanya.

Sino-sino ang mga pumatay at sino-sino ang mga nag-utos para patayin siya? Ito ang mga dapat na unang pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad.

Kung makatutulong sa pagkilala at pagdakip sa mga suspek ang iba pang mga usapin, bahala na ang mga awtoridad diyan.

Kung tutuusin, naging target si Nerlie ng pagpatay dahil isa itong mamamahayag.

Anoman ang mga konektadong isyu rito, tulad ng higit na nakararaming mga kaso ng media killings, ang pagiging mamamahayag ay isang mapagpasyang usapin.

INTER-AGENCY TASK FORCE

Binigyan ng pagkakataon ng mga kinauukulan ang National Press Club bilang isa sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Extrajudicial Killings.

Binuo ang Task Force ng pamahalaan upang mapabilis ang pag-aksyon ng pamahalaan sa mga extrajudicial killing.

Ang hanay ng mga mamamahayag ang tututukan ng NPC bilang tungkulin nito sa ilalim ng Task Force. Ang kaso ni Nerlie ang kauna-unahang pagtutuunan ng pansin ng Task Force.

Umaasa tayo, mga Bro, na makatutulong tayo ng husto sa pagresolba sa krimen. Bilang bahagi ng Task Force, hindi na pupwedeng basta itago ng mga awtoridad sa media ang kanilang nalalaman hanggang sa posibleng paglaruan ng mga ito ang mga kaso. At magawa nilang maniobrahin ang lahat hanggang sa mababoy ang katarungan ukol sa media killings o pagpatay sa hanay ng mga mamamahayag.

IBANG MGA KASO RIN

Maaaring sakupin o makialam din ang Task Force-NP sa iba pang mga kasong pagpaslang sa mediamen. At maaaring makatulong din ang NPC sa iba pang mga kaso na walang kaugnayan sa media killings basta maituturing itong extrajudicial killings.

Kaya naman, mahalaga ang Task Force.

Inaasahan natin ang mga mamamahayag na makiisa at makipagtulungan sa paghahanap ng katarungan at katotohanan sa lahat ng media killings, lalo na sa sarili nilang hanay.

Sana naman, magtagumpay tayo upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang kalayaan sa pamamahayag, lalo na ang kalayaan sa kamatayan na madalas nang nilalabag.

MASAKER SA PARIS

Inatake ng sinasabing mga militante o extremist sa relihiyon ang magasin na Charlie Hebdo sa Paris. Nasa 12 ang napatay ng mga extremist at kabilang dito ang 10 mamamahayag na nagtatrabaho sa Charlie Hebdo.

Ripleng automatic at iba pang mga baril ang ginamit ng tatlong suspek sa pagpatay. Hindi kinakitaan ang mga suspek ng anomang takot at isinakatuparan ng mga ito ang mga babala na aatakihin nila ang nasabing magasin isang araw.

Hindi nagustuhan, mga Bro, ng mga extremist ang mga puna sa lahat ng lider ng mga relihiyon na karaniwang paksa ng nasabing magasin. Lalo na ang mga cartoon na naglalarawan kay Propetang Mohammad.

PAGKITIL SA KALAYAAN

Kalayaan sa pamamahayag ang nakataya sa kaso, mga Bro.

Sa ngayon, lumikha ng storm surge sa hanay ng mga mamamayan ang pagpaslang sa mga mamamahayag. Kasalukuyan silang nagkakaroon ng mga demonstrasyon upang suportahan ang kalayaan sa pamamahayag at suportahan ang mediamen sa kanilang mga tungkulin sa lipunan. Sinasabing may nahuli na ring suspek at tinutugis pa ng pulisya at mga sundalo ang iba pa.

Sana ganito kaaktibo ang ating pamahalaan sa mga kasong media killing. Sana ang Task Force ay makatutulong para sa pagkilos ng buong pamahalaan laban sa extrajudicial killings.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>