HINDI naggagawad o nagbibigay ang Pag-IBIG Fund ng mga proyekto at lalo na’t hindi rin nakikipagkasundo ang ahensya sa mga kontraktor, ayon sa Pangulo ng ahensya.
Ang apela ng mga opisyales ng ahensya kay Senador Antonio Trillanes na huwag dungisan ang pangalan ng ahensya sa pamamagitan ng kanyang walang basehan paratang laban kay Vice-President Jejomar C. Binay, na siyang ang chairman ng Pag-IBIG Board of Trustees.
“’Nagsusumikap kami upang makamit ang tiwala ng aming 14.6-milyong miyembro. Nawa’y huwag dungisan ang magandang pangalan ng Pag-IBIG Fund sa walang saligang mga paratang ng isang anomalya,” ayon kay Atty. Darlene Marie Berberabe, Pag-IBIG Fund President at Chief Executive Officer.
Tahaasang itinanggi ni Berberabe ang mga pahayag ni Senador Trillanes na kasangkot ang Pag-IBIG sa isang anolmaya na diumano’y pinapaboran ng Pangalawang Pangulo ang mga kakilalang kontratista.
“Sa aming patotoo, walang pinapaborang stakeholder ang Pag-IBIG Fund. Sa kabila nito, pinagmamalaki namin ang aming sarili, dahil umakyat ang antas ng ahensya, mula maupo ang bagong pamamahala at ang bagong Lupon (Board) noong 2010,” dagdag ni Atty. Berberabe.
“Sa sinasabing may pinaboran kaming mga kontratista sa paggawad ng mga proyektong pabahay, ito ay hindi totoo, dahil hindi kami naggagawad ng mga proyekto o nakikipagsosyo sa mga kontratista. Ikinalungkot namin sa mga paratang na sumisira sa integridad ng Pag-IBIG Fund, pero walang mailabas na patunay. Kapag gumawa ka ng trabaho ng maayos at isinaalang-alang ang mga prinsipyo ng integridad at pagkakapantay-pantay sa abot ng iyong makakaya, nakakalungkot isipin na madala ka sa iang paratang na wala man ni isang basehan,” hinaing ni Berberabe.
Idinaing ng Pangulo ng ahensya na ang Pag-IBIG ay dinadamay isang pampulitika kontrobersya. ANG INYONG LINGKOD/DR. HILDA ONG