Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAYANG-KAYA NG BCDA

$
0
0

KAHANGA-HANGA ang pamunuan ng isang ahensya ng pamahalaan, hindi lang dahil sa kontribusyon nila sa kaban ng bayan, kundi pati sa pagpupursige nila na mapabuti ang ekonomiya ng ating bansa at mapanagot ang mga gumagahasa rito.

“Kaya natin!” Ito kadalasan ang sinasabi ng CEO at President ng Bases Conversion Development Authority na si Atty. Arnel Paciano Casanova. At mukhang pinaninindigan niya at ng kanyang mga kasama sa BCDA na kaya nga kung pagbabasehan ang kanilang accomplishments nitong mga nakaraang linggo.

Sana naman kagatin ng karamihan ng ating mga kapwa Filipino ang adbokasiyang ito ni Casanova. Panahon na para palitan natin ang ating mindsets sa mas positibong kataga tulad ng “Kaya Natin!”

Para sa mga commuter at ordinaryong Pinoy, malaki ang impact nito sa ating mga buhay kung ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay tulad ng BCDA na malaki ang naiaambag na kita o revenues sa National Treasury. Dahil, imbes na mapunta sa bulsa ng iilan ay magagamit ito para sa mga proyektong mag-aangat sa kabuhayan ng bawat isang mamamayan.

Isipin nyo na lang ang mga nabigyan ng trabaho dahil sa pag-convert ng Fort Bonifacio, Clark at Subic sa pagiging commercial at business districts at special economic zones. Ilan sa atin ang nakinabang sa kaginhawaan na dulot ng SCTEx at TPLEx?

Kailan lamang, nagpakita ng interest ang San Miguel Corporation at isa pang kompanya na makilahok sa price challenge para sa maintenance at operation ng 94 km. SCTEx na hawak ng Manila North Tollways Corporation ni Manny Pangilinan. “We are pleased with the turnout and we are confident of the project’s viability,” sabi ni BCDA’s price challenge selection committee chairperson Atty. Nena Radoc. “Healthy competition should bring about better service for motorists and the best deal for government.”

Kailan lang ay pumirma ang BCDA ng Memorandum of Understanding para sa milyon-milyong dolyar na investments ng Al-Ahli Holding Group (AAHG), isang conglomerate sa United Arab Emirates, para sa tourism related projects sa Clark Green City project ng BCDA. Pero, ang kakaiba kina Casanova ay ang paghabol nila para panagutin ang P3.4-billion na utang ng Camp John Hay Development Corporation (CJHDevCo) sa BCDA.

Sabi ni Casanova sa kanyang Facebook page, “We, in BCDA, are doing our best to make Bob Sobrepeña and his company to be made accountable for their misdeeds in John Hay. However, I wonder whatever happened to the CAP controversy and now the MRT which denied education to thousands of children and made millions of MRT commuters suffer everyday. We cannot allow impunity to go on. Kaya Natin!”

Ang CJHDevCo ay pag aari ni Sobrepeña, na siya ring nasa likod ng College Assurance Plan (CAP) at Metro Rail Transit Corporation (MRTC). O, ngayon, naniniwala ka na na apektado ka ng pagpupursige ni Casanova at ng BCDA? ABISO/PAUL EDWARD P. SISON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>