Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MALASAKIT NI POPE FRANCIS

$
0
0

MAHIRAP ipaliwanag pero naniniwala tayo sa mga pahayag ng mga nakaramdam ng kakaiba at tinindigan ng balahibo nang makita ng personal si Pope Francis sa pagdalaw niya rito sa Pilipinas.

Ito Ang Totoo: naranasan natin ito bilang reporter ng ABS-CBN DZMM sa coverage ng pagdalaw sa bansa ni Pope John Paul II noong 1995, at ilang pagkakataon habang tayo ay nakabase sa Roma na nakadadalo sa ilang misa ng Papa sa Vaticano noong 2002-2003.

Born-again na tayo noon at maging sa ngayon, pero hindi nawawala ang ating respeto sa Santo Papa at simbahang pinamumunan niya.

“Booster shot” o pampalakas sa Simbahang Romano Katoliko ang pagbisita ni Pope Francis sa bansa, lalo pa’t nakita at nadama ng mamamayang Filipino ang pagpapahalaga at malasakit niya.

Kapansin-pansin naman na maging iyong mga personahe at pati nasa “mainstream media” na kung tumalak laban sa posisyon ng simbahan laban sa RH Bill, aborsyon at “same-sex marriage” ay ganoon na lamang ang pagpapakita ng akala mo ay tunay na paggalang at paninindigan sa pagiging Katoliko.

Sa kanilang mga komentaryo, iwas ang mga kumag na himayin ang mensahe ni Pope Francis sa pagpapahalaga sa pamilya at buhay. Sana, naliwanagan na ang mga utak nila at ipaglaban ang paninindigan ng simbahan o kung ayaw naman talaga nila ay huwag nang magpanggap at magsipagkalas na.

Samantala, tama po ba na itong mga obispo at pari sa misa ni Pope Francis sa Manila Cathedral ay walang pakundangan sa pagkuha ng litrato gamit ang cellphone, tablet at camera na akala mo wala sila sa banal na misa?

Ito Ang Totoo: ang hirap sa ating panahon, lahat na lang, basta may cellphone o tablet ay photographer na, kesehodang wala sa tamang panahon, pagkakataon o okasyon.

* * *

Epektibo ang Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pamumuno ni Gen. Orlando Maddela (ret. PNP) sa pagbabantay at pagpigil sa pagnanakaw mismo ng bakod ng Subic Bay Freeport partikular sa may 14th St. Gate.

Ito Ang Totoo: dati, walang pakundangang ninanakaw ng mga “dorobo” mismo ang bakal at “wire mesh” na kaya ginawang bakod ay pagpigil nga sa mga manloloob na karamihan ay menor-de-edad na ginagamit ng mga magulang o kamag-anak sa kabulastugan dahil hindi naman daw makakasuhan.

Congratulations po, Gen. Maddela. Ito na lang pong ilang SWAT ninyo ang bantayan ninyo na may mga pagkakataong tila “mersenaryo” na dahil siguro sa pera, kahit iligal ang ipagawa ay kakasa, tama po, nagkakasa ng baril na mahahaba sa kaharap na wala namang sandata.

Ingat din po sa report ng ilan ninyong mga tao na ang inire-report sa inyo ay hindi totoo. Ang maling impormasyon ay nagliligaw sa mga nagdedesisyon kaya sa mga nasubukan nang gago, dapat ay sinisibak hindi lamang sa puwesto kundi pati sa trabaho. Ito Ang Totoo! ITO ANG TOTOO/VIC VIZCOCHO, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES